CHAPTER 14🌼

29.6K 580 38
                                    

CHAPTER 14🌼

Wala naman akong balak na pabagsakin ang kompaniya niya. Alam ko naman ang hirap na pinagdaanan niya para doon. Tinakot ko lang naman siya pero Hindi agad siya pumayag. Masyado talaga siyang matapang. Hindi naman ako sobrang sama'ng tao para doon.








Napabuntong hininga ako at sumandal sa upuan. Pagod na pagod na ako. Andami ko pang gagawin at Hindi man lang ako nangangalahati pa. Di na nga ako naglunch pero ang dami parin. Antok narin ako. Palagi kasi akong nag oover time. Sobrang daming trabaho. Plus yung trabaho pa ni Dave na ipinasa saakin dahil nagbabakasyon sila ngayon sa NewYork.


Tumayo ako at naglakad sa pinto ng kwarto ko sa loob ng opisina. Pabagsak akong humiga doon. At unti unting nilamon ng kadiliman.






Nagising ako nang maramdamang parang may humahaplos sa pisngi ko. Agad na dumapo ang tingin ko sa lalaking naka upon sa kama ko sa tabi ko.








Agad akong napaupo nang makita ko ang mukha niya.





"What are you doing here?" Nagtatakang tanong ko. At paano siya nakapasok?




Tiningnan niya lang ako gamit ang mapupungay niyang mga mata.



"I missed you." Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi agad ako nakagalaw.



"God knows how much I wanted to do this to you. I wanted to hug you. So bad." Itinulak ko siya pero mas hinigpitan niya ang yakap niya.




"L-let of me."


"Please just this once. Let's forget our past, doubts, and pain just for a while. I missed you so much. You don't know how much I love you. I've waited so long for this."



Humiwalay siya saakin. "Let's rest for a while. Can we? Can we go back to our life seven years ago? And after this, I will sign the papers and I will never ever disturb you again. Hindi narin ako magpapakita sayo. Thats what you want right?"






Napakurap ako. Hindi na siya magpapakita saakin? Hindi na siya magpaparamdam? Parang nawasak ang puso ko sa sinabi niya. Pero yun din naman ang gusto kong mangyare diba?







Parang ayokong pumayag sa sinabi niya. Samantalang nuong isang linggo ay ito naman talaga ang gusto kong mangyare.







Hinaplos niya ang pisngi ko. "Hindi ako takot na mawala ang kompaniya ko. O ang kahit ano maliban sayo. Alam kong mas mataas ang posisyon mo saakin at walang wala ako kumapara sa kung anong meron ka.






Naisip ko lang. Hindi ka nararapat saakin. Palagi nalang kitang sinasaktan. Ayaw mo na saakin pero pinagsisiksikan ko pa ang sarili ko sayo kaya mas lalo kang nahihirapan saakin. Nagiging pabigat pa ako sayo. Pagod kana nga sa ginagawa mo sa kompaniya niyo na hindi birong trabaho. Dumagdag pa ako sayo. Pasensiya kana kung puro pasakit ang ibinibigay ko sayo. Pero pangako, huli na to. Huling huli na to. Wala lang ang pinagdaanan ko kumpara sa mga pinagdaanan mo nung makidnapped ka. I saw your notebook, i read it all and i am so so sorry, wife. Pero kung sana nagtiwala ka lang saakin hindi sana mangyayare iyon. Pasensiya na kung ganito lang akong walang masyadong maipagmamalaki sa pamilya mo.
Pasensiya kana sa mga puro paghihirap na pinagdaanan mo dahil saakin. Pero ito ang tandaan mo

    ... mahal na mahal kita, Veronica. Ikaw lang."



At hinalikan niya ako.






*-*-*



Ilang linggo na ang nakalipas nang mangyare ang hindi dapat mangyare pagkatapos ng tagpong iyon. Oo, may nangyare saamin doon.





Sold To My Ex-Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon