CHAPTER 10🌼Jairo, my husband. Pasensiya na kung pagbalik ko Jan payat na ako. Yung pinaghirapan mong pagpapataba saakin wala na e. Ang payat ko na jairo. Minsan lang kasi akong kumain. Sana kumakain ka Jan nang maayos. Wag kang gagaya saakin na minsan lang kumain. Dapat kahit payat na ako, ako parin ang mahal mo ah. Miss na miss na kita. I love you.
You're wife,
Veronica.*-*-*
Dalawang oras na ang nakalipas nang umalis si Jairo para dumalo sa kaniyang engagement party. At dalawang oras narin akong nagmumukmok dito sa kwarto ko at tulala.
Iniisip ko kung ano na ba'ng mangyayare saken pagkatapos ng lahat ng ito. Papalayasin niya na ba ako? Mabuti pa siya at wala na siguro siyang nararamdaman para saakin. Para magpakasal siya. Pano naman ako'ng naiwan sa nakaraan namin. Napatingala ako. Ano nang gagawin ko?
Ipokrita ako kung di ko aamini'ng ayaw ko silang maikasal. Sa totoo lang ay gustong gusto ko na ako lang yung una at huling dadalhin niya sa altar.
Hindi ko kaya. Hindi ko kaya'ng mawala siya saakin. Siya nalang ang nag iisa sa buhay ko. Wala akong magulang. Walang kapatid. Wala rin akong kakilala'ng kamag anak. Siya lang ang meron ako. Di ko kayang mawala siya saakin .
Kailangan ko siyang pigilan. Kung ang pagsasabi ko lang ng dahilan ko kung bakit ako nawala para hindi matuloy ang magiging kasal nila ay gagawin ko. Baka mag bago pa ang isip niya. Ayokong tuluyan siyang mawala saakin.
Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto para lumabas at sundan siya pero napatigil ako.
Kung sakali ma'ng magtagumpay ako sa Plano ko. Magiging masaya ba siya saakin? Eh pano nalang kung mapilitan lang siya dahil nakokonsensiya siya at hindi naman na niya talaga ako mahal. Ang selfish ko'ng tao kung ganon. Tapos habang nasa piling ko siya ay nasasaktan siya dahil hindi naman ako ang gusto niya'ng makasama. Mas masakit iyon.
Napa upo ako. Wala na. Wag na. Ayoko na. Suko na'ko. Pagod na ako. Tama na'to. Tama na to'ng pag papa-asa ko sa sarili na wala namang mapapala. Aalis nalang ako. Magsisimula nalang ako sa umpisa. Yung walang siya.
Tumayo ako at inimpake ang mga gamit ko. Bahala na kung saan ako mapadpad. Sa kangkungan o sa kalye. Basta yung malayo dito.
Pinihit ko ang knob at lumabas dala ang malaking bag. Nakapagtatakang wala ni kahit isang ilaw ang bukas. Kaya wala akong maaninag. Humawak ako sa Dingding at kinapa ang switch ng ilaw. Napatili ako nang bigla nalang may humila saakin at tinakpan ang bibig ko sabay ng paglapat ng malamig na bagay sa sentido ko.
"Wag kang papalag kung hindi ay papasabugin ko ang ulo mo!" Napatigil ako sa pagpasag at napatahimik. Natakot ako sa sinabi niya. Sino it0? Anong ginagagawa nito dito at paano ito nakapasok dito? Mahigpit ang security dito kaya paano ito nakapasok.
"A-anong gagawin mo? Wala akong pera." Sagot ko nang tanggalin niya ang kamay niya sa bibig ko at kinaladkad ako pababa ng hagdan.
"Ang sabi ko tumahimik ka." Mariing sagot nito. Sobra akong kinabahan. Tumahimik nalang ako at baka kung ano pa ang gawin niya sakin. Nakalabas ako ng bahay at tumambad saakin ang mga nakahandusay na body guards sa labas ay mga tama ng bala. Duguan silang lahat.
Hinila niya ako papasok sa loob ng kulay itim Van sa tapat ng gate. Pinaupo ako sa loob at napapalibutan ako ng maraming mga nakabonet.
"Long time no see, Veronica." Nanigas ako sa kinauupuan ko sa narinig na may ari ng boses. Nanginig ang kamay ko at nag unahanang tumulo ang luha ko. Kumalabog ng sobrang lakas ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Sold To My Ex-Husband ✔
Romance"Welcome home my slut and gold digger wife." Veronica De Castro took 10 million pesos from her husband's account and left him without saying anything. Her husband got angry and feel betrayed.He search for her but he didn't even see any s...