CHAPTER 9🌼

26.8K 618 20
                                    

CHAPTER 9🌼

Hindi ko alam kung lalabas ba ako ng kusina o hindi. Nahihiya kasi ako. Simula kaninang umaga ay Hindi ako nagpakita sakaniya kahit gahibla ng buhok ko. Naaalala ko kasi iyong kagabi. Sht! Nakakahiya talaga. Oo ngat nakita na niya ang lahat saakin noon pero nakakahiya parin. Matagal na iyon. At ngayon parang bago parin saakin.







Sana habang pababa siya ng hagdan mahulog siya at nang maalog ang utak Niya tapos Hindi na niya maaalala yung kagabi.






Hindi ko nalang pinansin ang mga nasa isip ko at itinuon ang pag gawa ng sinangag. Habang yung iba naman ay nagpprito ng itlog at bacon. Yun lang naman kasi ang kinakain niya tuwing umaga tska kape.





Nang matapos ay inilagay ko ito sa bowl at sumandal sa mesa. Hinihintay na matapos sila.






"Pababa na si Sir, Asan na yung pagkain."





"Oo,patapos nato. Ihanda Mona iyong pinggan doon."






Umalis na iyong maid dala ang sinangag na niluto ko. Kinabahan ako ng sobra. Sana naman wag niya akong gambalain ngayon. Sana hindi niya ako pansinin. Pipi Kong dasal.





"Veronica, paki dala naman muna ito Kay sir. Hindi pa kami tapos. Ikaw nalang naman ang wala nang ginagawa." Pakiusap nung isang maid.



Nanlaki ang mga mata ko. Itinuro ko ang sarili ko. "A-ako? Ako ba?" Tumingin tingin ako sa paligid. Nagbabakasakaling may iba pang maid na walang ginagawa. Pero wala.



"Oo, ikaw lang naman ang Veronica dito diba? Bilis na at baka galitan tayo ni Sir."





"Ah s-sige." Kinuha ko ang ipinapadala niya at dahan dahan'g lumakad. Inilagay ko ang lahat ng buhok ko sa harap ng mukha ko at yumuko. Para Hindi ko makita ang mukha niya at nang di niya rin ako makita.



Naaaninag ko naman dinadaanan ko. Sa baba nga lang. Nakarating ako ng dining room.  Nakatalikod siya saakin. Inilapag ko pagkain sa harap niya nang nakatalikod sakaniya.


"Is that how to serve me? Me, facing your back. Who are you? Face me."  Pinagdiin ko ang labi ko at mabilis na humarap sakaniya.



"Fuck! What the fuck!"




Napaatras siya at nahulog sa upuan. "Shit!" Mabilis siyang tumayo at lumayo saakin. Nataranta ako nang mahulog siya sa upuan. Siguradong masakit iyon. Tinanggal ko ang harang na buhok sa mukha ko at nag aalala'ng lumapit sakaniya.




"Sht!  Veronica?!" Napatigil ako sa paglapit sakaniya at napakagat labi. Napayuko ako.




"Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso dahil sayo! Ano bang pinaggagagawa mo sa sarili mo?"




"P-pasensiya na. Nahihiya lang naman ako dun sa nangyare kagabi." Mahinang saad ko.




"O-oh e ano naman? Nakita ko naman na yun dati pa. At paulit-ulit pa."




Namula ako. "Bastos!"



"Tsk. You're waisting my time. I'm starving." Umupo siya sa upuan at nagsimula nang kumain.




Tumalikod na ako. Ayaw niya kasing pinapanood siya ng katulong pag kumakain siya.
Yeah. Katulong nalang ako ngayon kaya hindi kona siya mapapanuod kumain. Samantalang dati ako pa nag aasikaso sakaniya sa pagkain niya. Napabuntong hininga nalang ako.




Sold To My Ex-Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon