CHAPTER 13🌼

29.1K 628 45
                                    


CHAPTER 13🌼

"Dad. Is it true? Jairo has a daughter?" Kahit Hindi man nila sabihin Alam Kong binabantayan nila ang bawat galaw ng asawa ko kaya imposibleng Hindi nila alam.





"Its true that he has a daughter, named Crystal Jade Montero." Baliwalang saad nito.







Napatigalgal ako sa agad na sagot niya. Napahawak ang mga kamay ko sa dalawa kong tuhod at napatingin sa sahig. Napalunok ako. Akala ko Hindi na masyadong masakit pero mas masakit pala ito. Biglang nanubig ang mga mata ko. Hindi ako makatingin Kay dad. Kumuyom ang mga kamay ko.




"W-who-- who's the girl?"



"Cassandra--"

"O-okay." Tumango tango ako."Okay. " At tumango pa ng isa.






"He impregnated the girl, named Cassandra. Year after you left."



Tumayo ako at lumabas ng library niya. Hindi ako nakapagpasalamat para sa impormasyong sinabi niya dahil kapag nagsalita ako ay paniguradong manginginig ang boses ko.





Naglakad ako papunta sa kwarto ko at agad na sinarado ang pinto. Pabagsak akong humiga sa kama. Tumulo ang luha'ng kanina ko pa pinipigilan. Napahikbi ako. Ang sakit sakit.



"How could you do this to me?..."
Dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. May mga nanligaw saakin nung umalis ako pero wala naman akong pinatulan doon kahit isa dahil alam ko sa sarili ko na may asawa ako at kasal ako. Hindi tama na pumatol nalang ako ng basta kahit tali na ako sa iba. Maling mali.




Kakayanin ko pa kung may naging kasintahan siya nung mawala ako pero yung nabuntis niya pa? Grabe lang. Sobra na yon. Nabuntis niya na hindi naman niya asawa.













Paano? Paano niya nagawang gumawa ng anak na kasal pa siya saakin. Bakit Hindi nalang siya nagpadala muna ng annulment papers!












Pwes! Kung Hindi siya magpapadala ako ang magpapadala ng annulment papers.
















Inabala ko ang sarili ko sa pag trabaho ng maraming araw. Dalawang linggo na ang nakalipas nung magpadala ako ng annulment papers sakaniya pero hanggang ngayon ay wala parin siyang response kaya nagdecide nalang akong puntahan siya at kausapin.







Mabuti narin ito para makapag Simula narin akong mag move on. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo. Marami pa namang mas gwapo at macho sakaniya.





Pero siya ang pinaka gwapo at macho sa paningin mo. Sigaw ng kung ano sa isip ko. Lihim kong binatukan ang sarili ko.










"Rain. Arrange me an appointment to Mr. Jairo Montero of MGC later 1 pm."












Inaayos ang ang laman ng shoulder bag ko para sa paghahanda sa pagpunta sa appointment ko Kay Jairo ngayong 1 pm. 12:30 palang naman. Nag retouch narin ako. Sumuot ng magandang damit. Yung hapit sa katawan.







Hindi ako nagpapaganda para sakaniya. Para ito sa mga lalaking madadaanan ko. Baka makasungkit agad ako. Baka sabihin niyang baliw na baliw ako sakaniya para Hindi agad maka- kuha ng bago which is true. Tsk!








What ever. Hindi siya kawalan. Magsama sila nung Cassandra'ng yon at ng anak nila. Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang sinabi niya noon.






Sold To My Ex-Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon