CHAPTER 7🌼
Nakasuksok ako sa gilid. Hindi gumagalaw. Sumasakit kasi ang likod ko kapag gumagalaw. Sa harap ko ay yung lalaking nagpapakain saakin.
May naaawa itong tingin saakin. Kanina nung makita niya ang lagay ko ay nag prisinta agad siyang itakas ako dito. Awang-awa siya saakin. Pero nginitian ko lang siya at tumanggi sa tulong niya.
"Ayos lang po ako manong." Mabait naman siyang tao. Napipilitan lang siya sa trabahong ito dahil umaasa sakaniya ang pamilya niya.
Sinusubuan niya ako ng pagkain dahil Hindi ako makagalaw. Masakit ang likod ko. Napunit ang damit ko sa likod sa lakas ng pag latigo saakin nung matanda.
"Kung sanay nandito ako kagabi,edi sana natulungan kita. Pasensiya na at wala ako dito."
"Ayos lang po talag ako manong. Wag niyo na po ako itakas dito. Baka mapahamak pa ang pamilya mo pag nagkataon."
Napabuntong hininga siya. May inabot siya saaking plastik na may laman sa loob.
"Ano po iyan?"
"Notebook at ballpen."
"Para saan ho?"
"Sinisiraan ka ni Boss sa asawa mo ineng. Pinapalabas niya na hinuthutan mo ang asawa mo ng pera atska ka tumakas para sumama Kay boss. Nagpadala si boss ng annulment paper sa asawa mo at pinalabas na galing sayo at nang makapag-pakasal na kayo ni boss. At ang masama doon agad iyong pinirmahan ng asawa mo."
Nanlumo ako sa narinig. So ganun nalang? Basta na lang niyang pinirmahan. Wala bang halaga sakaniya ang pinagsamahan namin para basta nalang niya iyong pirmahan?
Napahinga ako ng malalim at kinurap-kurap ang mga mata para Alisin ang luha.
"A-ano pong gagawin ko sa notebook at ballpen nato?" Pag-iiba ko ng usapan. Nahalata naman niya.
"Isulat mo dito ang lahat ng mga nararanasan mo. Mga dahilan mo kung bakit bigla kana lang nawala. Alam kong pag nakabalik kana mag-iiba na ang asawa mo sayo. At magiging sarado ang isip niya para sa paliwanag mo. Kaya sana magsilbi itong paraan mo para ipaliwanag sakaniya kung Hindi man siya maniwala sayo. Alam Kong imposible, pero Malay mo diba?"
*-*-*
Agad akong napatungo nang tingnan nila ako. Para sila'ng nandidiri saakin kung maka-tingin at bakas din sakanilang ekspresyon ang galit kaya nahihiyang napayuko ako.
Pinagpawisan ang palad ko. Siguro ay maputla na ang mukha ko. Hindi ko magawang tumingin ng deretso sakanila. Naka pako lang ang tingin ko sa sahig. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam koy anumang oras ay tututukan nila ako ng baril at papasabugin ang ulo ko. Itinago ko ang mga kamay Kong nanginginig na pala, sa likod ko.
"I really wanted to kill you right now, Veronica." Anang kapatid ni Jairo na Babae na si Jaira. Isang secret agent. Sobra sobra na akong kinabahan. Pakiramdam ko'y malalagutan na ako ng hininga.
"How dare you show your face here. Aren't you aware of what you are wearing? Shame on you." Anang ina niya. Ina niyang mapanganib sa lahat. Nakagat ko ang labi ko. Hindi man nagsasalita ang mga lalaki ay ramdam ko ang mapanganib nilang mga tingin saakin.
BINABASA MO ANG
Sold To My Ex-Husband ✔
Romance"Welcome home my slut and gold digger wife." Veronica De Castro took 10 million pesos from her husband's account and left him without saying anything. Her husband got angry and feel betrayed.He search for her but he didn't even see any s...