CHAPTER 5🌼

26.3K 592 33
                                    


CHAPTER 5🌼

Ilang araw na ba ang nakalipas? Buwan? Hindi ko alam. Hindi ko naman nalalaman kung nag uumaga na ba o kung tanghali na o kung gabi na. Iisa lang kasi ang kulay ng paligid ng kinalalagyan ko.






Madilim.








Walang bintana o kahit ano. Walang kahit na anong gamit dito. Isang pinto lang na palagi namang nakasarado. Malaking kwarto lang ito. Plain. At ako lang ang nasa loob. Nasa sulok. Naka-kadena ang leeg na parang aso.








Nakakatakot dito. Akala ko nagbibiro lang sila na may mga multo. Pero meron. Minsan may mga naririnig akong iyak ng sanggol. Mga nag lalarong bata. Tapos laging may mga kumakalampag ng pinto.









Naiyak ako sa takot. Sumiksik ako sa gilid, pumikit at tinakpan ang tenga. Hindi ako makatulog. Minsan kasi ay may naaninag akong naka puting bagay sa harap ko. Naka-lutang kaya sigaw ako ng sigaw sa takot.









Pero sa ngayon ay wala. Siguro kasi ay umaga na. Nag hihintay lang ako dito. Baka dumating na ulit yung nagdadala ng pagkain na tauhan nung matanda. Matagal bago niya ako dalhan ng pagkain. Tantiya ko ay kada ikalawang araw. Mga multo ang nagsilbi Kong orasan dito. Pag kasi nag iingay na sila ibig sabihin ay mag gagabi na.









Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Napalingon ako at nakita ko ang isa sa tauhan nung matanda. May dala itong tray. Inilapag niya ito sa harap ko. Ito yung tauhan niyang tahimik lang.
















Umalis ito pero bago pa ito makaalis ng tuluyan ay nag salita ako.









"A-ah.. Manong.." Lumingon ito. "Anong kailangan mo?" Lumapit ito.









"Itatanong ko lang po yung tungkol sa asawa ko. Uhmm.. May balita ka po ba sakaniya? Buhay po ba siya."









Tiningnan niya ako. Walang emosyon ang mukha niya. "Buhay siya, huwag kang mag alala." Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman. Naglakad siya papalayo. Sinundan ko siya ng tingin tapos huminto siya. Hindi naman siya humarap pero nagsalita siya.










"Mabuti kang tao. Pasensiya na kung kailangan mong makulong dito. Gusto man kitang tulungan pero Hindi pwede. Pasensiya na, trabaho lang." At lumabas na siya ng pinto.









Naiintindihan ko siya. Gustuhin ko mang magpatulong para tumakas dito, wag nalang. Baka maging komplikado lang ang lahat. Baka mapahamak ang asawa ko.










Kinain kona ang mga pagkain na dinala niya. Mabuti nalang marami at masasarap naman ang mga ito.









Ilang minuto lang ang lumipas nang pumasok ulit siya. May dala siyang malaking plastic bag. Inilapag niya iyon sa gilid ko. "A-ano ho ito?"









"Mga kailangan mo. Tapos kana ba? Kukunin kona ito."







"Tapos na akong kumain. Pero pwede bang paki-iwan nalang nitong mga tira Kong pagkain? Kakainin ko ito kung sakaling magutom ako. Mga dalawang pa kasi bago ka bumabalik dito."









"O sige. Pasensiya na kung minsan lang kitang madalhan ng pagkain. Marami lang kasing inaasikaso." Tumingin siya sa paligid. "Paano mo nalalaman kung ilang araw ako bago pumunta dito? Wala namang pumapasok na liwanag dito."








Sold To My Ex-Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon