CHAPTER 4🌼

25.8K 577 57
                                    

CHAPTER 4🌼

"Ano 'to?! Anong ginagawa ko dito?! Pakawalan niyo ako!" Nagpumiglas ako ngunit mas malakas ang dalawang lalaking ito na naka hawak saakin. Tuloy tuloy nila akong kinaladkad kahit huminto na ako sa paglakad ay hinila nila ako. Wala akong magawa kung Hindi ang sumigaw na pakawalan nila ako. Ipinasok nila ako sa malaking bahay ngunit lumang Luma na.








"Pakawalan niyo na ako please!"







"Itikom mo yang bibig mo kung Hindi ay papasabugin ko ang ulo mo! Naririndi nako sa sigaw mo! Walang makakarinig sayo dito dahil walang pumupuntang tao dito! Maraming gumagalang multo dito! Mamatay ka sa takot! Hahahahaha"








Nagtawanan sila na parang mga baliw. Ipinasok nila ako sa isang malawak na kwarto na walang kahit ano kung Hindi ang isang kadena na nakadugtong sa dingding. Inilapit nila ako doon. Pilit akong kumawala.






"Anong gagawin niyo!? Ano to?!"
Bitawan niyo ko!"







"Ikadena niyo yan!" Sigaw ng isang boses mula sa likod. Kilala ko iyon boses iyon nung matanda.








"Wag please! Maawa kayo!" Ngunit Hindi nila ako pinakinggan. Kinaladkad nila ako at ibinalya sa sementong dingding. Tumama ang ulo ko. Ang sakit! Lumapit ang dalawa at hinawakan ang magkabilang braso ko. Lumapit iyong matanda at nginisihan ako.







"Uto uto." Atska siya tumawa. "Hayop ka!" Sigaw ko. "Mas hayop ang asawa mo. Sayang nga lang at Hindi na muna kayo magkikita. Ibabalik kita sakaniya paglipas ng limang taon,wag kang mag alala. Limang taon pa kasi ang bibilangin bago dumating ang malalaking tao sa ating bansa sa auction na magaganap. At ibebenta kita para marami akong pera."







"Hayop ka! Hindi mangyayare yan dahil paniguradong hahanapin ako ng asawa ko!"













He laugh. "Hindi dahil gagawin ko ang lahat para kamuhian ka ng asawa mo."






"Hindi mangyayare iyon! Hindi ka mag tatagumpay dahil mahal ako ng asawa ko. Hindi siya maniniwala sa mga sabi sabi ng iba."







"Tingnan natin." Lumapit siya at kinuha ang kadena. Natuklasan Kong kadena pala iyon sa leeg dahil kinadena niya iyon sa leeg ko. Dinuraan ko ang mukha niya. "Nakakadiri ka!" Sambit ko pagkatapos.






Tumalim ang mata niya pagkatapos pahiran ang mukha niya. Sinapak niya ako. Napasigaw ako.







"Hindi lang yan ang makukuha mo kapag di mo itinikom ang bunganga mo!"







Umalis sila at iniwan akong mag isa.





Madilim.





Nakakatakot.





Walang pagkain.




Nag iisa.




Giniginaw.






Jairo tulungan moko..

*-*-*

Nahahapong napa-upo ako sa sofa. Sa wakas ay natapos din ako. Nakakapagod. Sobrang dumi kasi ng paligid. At palagay ko'y maraming taon na ang lumipas nang wala man lang pumapasok dito. Siguro'y Hindi na siya dito pumasok mula nung Hindi na talaga ako bumalik. Siguro napagod na siya. Tapos nagalit siya dahil sa maling balitang nasagap niya. Napasapo ako sa Tiyan Kong kumakalam. Hindi ko alam kung among oras na. Hindi pa kasi ako nag gagabihan at nag uumagahan. Hindi naman niya kasi ako pinapakain. Nakakahiya naman kung basta nalang akong mangingialam na Hindi ko naman iyon pag mamay-ari lalo pa't wala naman na akong karapatan sa buhay niya. Hindi na niya ako asawa.






Asawa...







Namimiss kona ang dati kong asawa. Yung sweet, mabait, at mapagmahal. Napabuntong hininga ako.








Pagkatapos kong mamahinga ay lumabas ako ng unit dala ang cart at pumunta sa office niya na sunod ko nanamang lilinisin. Kumalam ang sikmura ko ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Sanay naman na ako sa gutom. Naranasan ko na ngang Hindi kumain sa loob ng apat na araw. Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive noon basta nagising nalang akong pilit ipinapalunok ang pagkain saakin dahil Hindi daw ako pwede pang mamatay.











Pumasok ako sa office. Naabutan ko siyang kumakain ng tinake out siguro ng secretary niya na nakalagay pa sa Styrofoam. Muling kumalam ang Tiyan ko.
Sinulyapan niya lang ako saglit at tska kumain ulit. Hindi ko nalang din siya pinansin at nagsimula nang maglinis.







"You know what, may napansin ako e." Ayan magsisimula nanaman siya. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko rin siya tinapunan ng tingin.








"Face me!" Bumuntong hininga ako at pumihit paharap sakaniya. "As far as I know. Mataba ka nung nasa poder pa kita. Bakit ngayon ang payat mona? Nagpa-sexy ka ba para sa matanda mong asawa? Too bad. Wala nang makaka-kuha pa sayo dahil Hindi kana pwedeng umalis sa poder ko. Hindi ko alam kung paano ka nakarating sa auction night na iyon e. Siguro yung matanda mong asawa ang may gawa kasi sawa na siya sayo. Sabagay, minsan narin akong nagsawa sayo pero Hindi ko lang sinasabi. Kaya Hindi narin ako magtataka. Nakakasawa ka kasi."










"J-jairo..." Tumulo ang luha ko. Sa lahat ba naman ng pwede niyang sabihin bakit iyon pa'ng minsan na siyang nagsawa? Dahil hindi naman ako nagkulang sakaniya. Ang alam ko mahal na mahal niya ako. Wala siyang pinalagpas na araw na hindi niya sinasabing mahal niya ako. At hinding-hindi siya magsasawa saakin. At ramdam ko iyon.










"Bawiin mo ang sinabi mo." Puno ng hinanakit na sabi ko. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo o hindi para lang saktan niya ako. Gawin niya na ang lahat ng pananakit wag niya lang sabihing hindi niya ako minahal at nagsawa na siya saakin. Dahil Mas masakit iyon kumpara sa mga naranasan ko.










Ngumisi siya. "Alin? Yung nagsawa na sayo yung uugod ugod mong asawa?" Inosenteng sabi niya.









"Y-yung... Minsan ka nang nagsawa saakin nung tayo pa.. Totoo ba iyon?" Napahikbi ako. Ang sakit.











Tumingin siya sa pagkain niya. Hindi ko makita ang emosyon sa mukha niya dahil naka-tungo siya.







"Of---"









"Kasi ako.." Tinuro ko ang sarili ko punong puno ng sakit ang mga salita ko. Nanginginig ang Boses ko. "Buong buhay ko minahal kita. Pinagsilbihan kita. Inalagaan kita. Ikaw lang. Kase mahal kita. At Walang araw na hindi ko pinaramdam sayo na mahal kita. At para sabihin ko sayo hinding hindi ako nagsawa sayo. Tapos.. Tapos sasabihin mo lang na minsan ka nang nagsawa saakin? Ganon mo ba talaga ako kinamumuhian para sabihin mo ang mga iyon?






     Alam mo bang ang sakit ng mga salitang iyon para saakin?
Kaya ko pang tiisin ang mga pananakit mo saakin ng pisikal. Pero yan? Mas masaki iyon Jairo. Pero alam ko nagsisinungaling ka lang. Para mas masaktan ako. Akala mo susukuan kita? Pwes, sinasabi ko sayo. Hindi ako susuko. Nandito ako para angkinin ka ulit."










Kumuyom ang mga kamao niya at nagtangis ang mga ngipin niya. Pero hindi niya ako tiningnan. "Go back to work! I'm not interested on your drama's."










Humigpit ang hawak ko sa mop nang kumalam ang Tiyan ko. "Pero bago iyon." Humakbang ako papalapit sakaniya. "Sakin nalang to." Kinuha ko ang styro na kinakainan niya na may masasarap na pagkain.











Sold To My Ex-Husband ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon