CHAPTER ONE

4.4K 156 56
                                    


 "KULANG pa 'tong pang-tuition na ibinigay ko, Jaira. Sigurado ka bang okay na 'yan, anak?" tanong sa akin ni Mama. Mag-eenroll kasi ako noong araw na iyon.

"Okay na po ito, Mama. Partial amount na po muna ang babayaran ko kaya huwag ka nang mag-alala," nakangiti kong tugon sa kanya.

"Pasensiya ka na ha? Medyo kapos kasi tayo ngayon. Tapos sabay pa kayong magbabayad ng tuition ni Aiden kaya –"

"Mama," sabi ko, sabay hawak sa mga kamay niya, "Okay lang po. Huwag nang mag-explain. Alam ko naman eh."

Tumango na lamang si Mama at marahang pinisil ang mga kamay ko. "Mag-almusal ka na muna bago ka pumunta sa school. Nagluto ako ng pagkain."

"Hindi na po, 'Ma. Baka kasi matagalan pa ako, eh dadaanan ako ni Erika dito. Sabay po kasi kaming mag-eenroll ngayon."

"Ganun ba? Pero kapag may oras pa kumain ka pa rin ha?"

"Opo, Mama."

Inubos ko na lamang ang gatas na inihanda para sa akin ni Mama at tuluyan nang lumabas ng bahay, pero bago pa man ako makalampas sa maliit naming gate, biglang tumigil ang isang truck sa tapat namin.

Lumabas ang isang lalaki at lumapit sa akin. "Miss, ito ba ang bahay ni Evangeline Federio?"

"Ito nga po. Ano pong kailangan nila?"

Imbes na sagutin ako ng lalaki, bumalik siya sa truck at binuksan ang likod nito. Tapos ay isa-isa nang nagsilabasan ang mga malalaking kahon.

Dahil sa pagkalito ko sa mga pangyayari, halos hindi ko na napansin na nakatayo na pala sa tabi ko si Mama.

"Ipasok niyo na lang po iyan sa loob," sabi niya sa mga lalaki.

Tinaasan ko ng kilay ang nanay ko. "Mama, kanino na naman galing yan?"

Hindi niya ako matingnan nang direkta sa mga mata, pero napilitan siyang sagutin ang tanong ko dahil alam niyang hindi ko rin naman siya titigilan. "S-sa papa mo..."

Parang may kung anong malamig na bumalot sa puso ko dahil sa sagot na iyon ni Mama. Sabagay, kanino pa ba pwedeng manggaling ang sandamakmak na mga kahon na iyon kundi sa kanya lang? Para namang afford namin bumili ng kung anu-ano.

Recently lang naman nagkaroon ng mga padalang ganun ang tatay ko. Siguro mga pitong buwan na ang nakakaraan. Sabi ni mama, matagal na daw gustong magpadala ng tatay ko sa amin, sadyang hindi niya lang tinatanggap kasi nga ayaw niyang maging parte pa siya ng buhay namin. Pero hindi naman ako naniniwala dun. Kasi kung talagang gusto ng magaling naming tatay, dapat nakagawa siya ng paraan para makarating ang mga gusto niyang ibigay, hindi ba? Tsaka akala ko ba mayaman siya? Bakit hindi niya nagawan ng paraan?

Alam kong ngayon lang niya kami inalala bilang pamilya niya. Hindi ako mauuto ni mama nang basta. Siguro nakonsensiya yung tatay ko kaya bigla na lang kaming pinapadalhan ng kung anu-ano, pati na pera. Pero hindi ko naman tinatanggap. Isaksak niya yun sa baga niya.

"Anak, hindi ko naman ito hiningi sa papa mo. Talagang nagpumilit lang siyang ibigay yan. Karamihan naman dyan para sa inyong dalawa ni Aiden."

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Hindi naman natin kailangan yan eh. Hindi natin siya kailangan, 'Ma."

"Jaira, tatay mo pa rin –"

"Aalis na po ako, Mama," malamig kong sagot habang nakatingin sa phone, "Nagtext na po si Erika. Papunta na daw siya. Hihintayin ko na lang po siya labas para sabay na kami. Sige po."

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon