HINDI naman ako nahirapan mag-adjust sa part-time job ko sa café, dahil lahat naman ng mga kasama ko doon ay mababait at madaling pakisamahan. Medyo weird lang talaga si Sir Beans dahil mas madalas ay nagkukulong lang siya at bihirang makisalamuha. Sa tingin ko ay mabait naman siya, pero sadyang hindi lang sanay makipag-socialize.
Gabi ang shift ko sa café, at kung hindi ako nagseserve ng pagkain ay tumutulong ako sa paggawa ng mga kape. Tinuturuan din kasi ako ng ibang mga barista doon dahil nangangailangan sila ng tulong kapag maraming customers.
Akala ko nga noong una ay kakaunti lamang ang pumupunta sa café na iyon, pero nagkamali ako. Madami pala ang tumatambay sa café ni Sir Beans, at karamihan ay mga babae na either gusto siyang makita o ang mga kaibigan niya. Hindi ko pa nakikita ang lahat ng mga kaibigan ni Sir Beans pero sigurado akong gwapo sila lahat. Pagkakaguluhan ba sila kung hindi?
Noong gabing iyon ay hindi pumasok ang isa sa mga barista, kaya hiningi nila ang tulong ko sa paggawa ng mga kape at iba pang inumin. Naglalakad ako noon habang hawak ang isang lalagyan ng bagong-kulong black coffee nang hindi ko sinasadyang mamali ng tapak. Dahil medyo nawala ang balanse ko ay natapon nang bahagya ang kape sa mga kamay ko. Mabuti na lamang at naipatong ko kaagad sa mesa ang dala kong lalagyan kaya hindi ito natapon lahat. Kaya lang, kamay ko naman ang napuruhan dahil bahagya itong nalapnos nang mabuhusan ng sobrang init na kape.
"Shoot..." nasabi ko na lamang habang tinatakpan ng panyo ang parte ng kamay ko na sobrang hapdi.
Habang hinihipan ko ang kamay ko ay nilapitan ako ni Rebecca na mukhang nag-aalala dahil sa nangyari. "Uy Jaira, okay ka lang ba? Gusto mo bang bumili muna ako ng burn ointment? May malapit lang naman na pharmacy diyan."
Umiling ako at ngumiti. "Okay lang. Ako na lang ang bibili mamaya, bago ako umuwi. Pero salamat sa concern."
"Sigurado ka ha?"
Tumango ako. "Oo naman."
Tiniis ko ang hapdi ng kamay ko hanggang sa matapos ang shift ko. Habang nagsasara na ang iba kong mga kasama ay nagpaalam na akong mauuna dahil nga bibili pa ako ng gamot para sa kamay ko. Bibili rin ako ng pagkain kasi hindi pa ako nakakapag-dinner dahil busy sa café kanina.
Dumiretso ako sa pinag-iwanan ko ng bisikleta ko, at laking gulat ko nang makita ang isang paper bag na nakasabit sa manibela. Sa loob nito ay may burn ointment at isang bento na sa tingin ko ay binili sa isang Japanese restaurant na malapit lang sa café na pinapasukan ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid sa pag-asang makikita ko pa ang nag-iwan noon sa bisikleta ko. Wala kasing iniwan na note kaya nakakapagtaka talaga kung kanino galing iyon.
Siguro si Rebecca ang nag-iwan nito... Nag-abala pa siya. Napakibit-balikat na lamang ako at sumakay na sa bisikleta para makauwi na.
PAGDATING ng professor namin sa klase, buong akala namin ay didiretso na siya sa pagdiscuss ng susunod naming lesson. Pero laking gulat namin nang bigla siyang mag-distribute ng mga test questions.
What the heck... May quiz? Bakit parang hindi ako informed?
"Class, we're going to have a surprise quiz today. Gusto kong malaman kung talagang may natututunan naman kayo sa mga tinuturo ko at kung natatandaan niyo pa ang mga pinag-aaralan natin last week. Meron lang kayong isang oras at kalahati para tapusin ang exam na yan. I am expecting na hindi kayo mahihirapan dyan dahil nadiscuss na natin ang topic na yan noong nakaraan. Finished or not finished, ibibigay ninyo sa akin ang test papers ninyo, okay?" Biglang dumagundong sa loob ng silid ang halo-halong reklamo at atungal ng mga kaklase ko, pero tumawa lamang ang professor namin. "Kaya niyo yan, guys. Good luck!"
BINABASA MO ANG
Something About Us [✔]
Teen FictionEverybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya. He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila. I know...