CHAPTER EIGHT

1.1K 97 10
                                    


"DALAWA na lang silang natira. Yung iba kasi nagsialisan na eh. Hindi ko alam kung bakit. Sinuntok ko lang naman yung isa tapos ayun, bigla silang nagsitakbuhan," dagdag pa ni Quintus na kung magsalita ay parang walang nangyari. Binitawan niya ang mga buhok ng dalawang lalaking kinakaladkad niya na agad kumaripas ng takbo. Tapos ay tumayo siya sa harap ko na para bang tinatago niya ako.

"Hindi ka pa ba nagtatanda?" tanong ni Quintus sa lalaki na nanggigigil na sa galit, "Kulang pa ba yang mga pasa mo at talagang hindi ka pa natuto?"

"Halimaw ka talaga, Quintus Zamora!" nanggagalaiting sigaw ng lalaki bago naglabas ng isang balisong gamit ang isa niyang kamay, "Hindi ako papayag na hindi ako makaganti sayo!"

Nagulat ako nang makita ang balisong na dala ng lalaki. Kahit pa magaling makipagbugbugan si Quintus, lamang pa rin yung lalaki dahil may dala siyang armas. Paano na lang kung masaksak si Quintus? Lalong lumakas ang kabog ng puso ko, at hindi ko maipigilang mag-alala.

"Gusto mong gumanti? Sige..." pagkatapos ay itinaas ni Quintus ang dalawa niyang kamay na para bang inaanyayahan niya ang lalaki na undayan siya ng saksak, "Tara dito. Pagbibigyan kita."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako ay Quintus. Doon na ako nagsimulang kabahan. Talagang may sira sa ulo ang lalaking ito. Sigurado ba siya sa ginagawa niya? Alam kong talent niya ang makipagbasag-ulo pero bakit kailangan niya pang hamunin yung lalaki na saksakin siya?

"Gago ka ba? Humingi na lang tayo ng tulong. Huwag mo nang i-provoke ang lalaking yan –"

"It's fine. Gusto ko lang na magtanda na talaga ang lalaking 'to dahil sa pambabastos niya sayo. Chill ka lang dyan."

Anong chill ang sinasabi mo? Paano ako magchichill eh lalo mo pang hinahayaan ang lalaking yan na saktan ka. Sira ulo ka talaga. Ang tigas ng bungo mo!

Lalong nairita ang lalaki dahil sa pang-iinsultong ginagawa sa kanya ni Quintus, kaya hindi na ito nagdalawang-isip pa na sumugod. Pero bago pa man niya maundayan ng saksak si Quintus ay biglang umangat ang paa niya at tumama sa mukha ng lalaki. Iyon na ang naging hudyat ng pagsusuntukan ng dalawa sa harap ko mismo.

Kahit pa mukhang nakakalamang si Quintus, hindi rin naman nagpatalo ang lalaki. Talagang ginagawa niya ang lahat para masugatan kahit kaunti si Quintus kahit pa ginagawa na siya nitong punching bag. Hindi ko maatim na tingnan ang ginagawang pagsasakitan ng dalawa kaya agad akong nagsisigaw para humingi ng tulong. Yung eksaheradang sigaw talaga, para naman magtigil na ang dalawang ito sa pagbubugbugan nila.

Hindi nagtagal at may nagsidatingan nang mga kalalakihan at mga usisero na tumulong para awatin ang dalawa sa ginagawa nila.

Hinawakan ko ang braso ni Quintus at inilayo siya mula sa lalaki, tapos ay kinausap ko ang isa sa mga rumespondeng tanod.

"Manong, yan pong lalaking yan hinaharass ako. Tinutulungan lang naman ako nitong kasama ko kaya nakipagsuntukan na rin siya. May dala po yang balisong, gusto nga pong saksakin itong kaibigan ko eh," sumbong ko sa lalaki.

Ewan ko kung bakit pero triggered na triggered ang mga barangay tanod at mga usisero't usisera dahil talagang pinagtulong-tulungan pa talaga nilang bitbitin yung lalaki papunta sa presinto. Kulang na lang ata ilagay nila yung lalaki sa kawayan na parang lechon.

Pero hindi na iyon ang inintindi ko. Agad kong ibinaling ang tingin ko kay Quintus na hinihingal pa dahil sa ginawa niyang pakikipagbuno kanina.

Isinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay at napatingin sa akin. "Nasaktan ka ba?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. Anong klaseng tanong yun? Sira ulo rin talaga eh.

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan eh hindi naman ako itong nakipagsuntukan. At tsaka bakit ba nila ako hinaharass? Bakit ka nila kilala? Ano bang ginawa mo sa kanila?"

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon