PAKIRAMDAM ko ay mawawala ang kalahati ng timbang ko ngayong umaga dahil sa paglalakad. Balak ko kasing maghanap ng part-time job noong araw na iyon, kaya inihanda ko na ang resume, tubig, at lakas ng loob ko para siguradong tagumpay akong makakauwi sa bahay namin mamaya.
Sayang nga at hindi na ako masasamahan ni Erika. Mas okay sana kung kasama ko siya para hindi boring. Sa daldal ba naman niya, paniguradong entertained ako habang naglalakad at nagpapagod sa ilalim ng araw para makahanap lang ng trabaho.
Habang naglalakad ako ay may sasakyang bigla na lamang dumaan sa harap ko. Mabilis ang takbo nito, at kahit nasa gilid ako ng daan ay buong akala ko ay mahahagip ako nito. Halos tumalon ang puso ko sa kaba at takot dahil sa bigla nitong paglitaw.
Sinundan ko ng tingin ang dumaang itim na kotse. Parang pamilyar ang kotseng yun ah...
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung saan ko nakita iyon. "Anak ng... Yun yung kotseng muntik nang makasagasa sa akin kahapon!"
Nakakasira ng araw ang lintik! Hindi ko alam kung bakit ko pa kailangang makita ang kotseng yun. Hanggang ngayon kasi hindi pa ako maka-move on sa near-death experience ko kahapon. Akala ko talaga mamamatay na ako, tapos ganun niya lang ako tatratuhin? Aabutan niya lang ako ng pera tapos burado na lahat ng atraso niya?
I hissed. Wala siyang pinagkaiba sa tatay ko.
Huminga ako nang malalim at pilit kong kinalma ang sarili ko. Hahayaan ko na lamang ang iyon at itutuon ko na lamang ang pansin ko sa paghahanap ng trabaho. Mas importante iyon kaysa sa inis ko sa sira ulong lalaking muntik na akong patayin kahapon.
Lampas isang oras na rin akong naglalakad bago ko nakita ang isang café na nangangailangan ng mga part-timers.
Kinuha ko ang sign board sa labas at pumasok na sa loob ng café. May mga customers na noong mga oras na iyon, pero hindi pa ganoon karami dahil medyo maaga pa naman. Lalapit na sana ako sa isa sa mga barista doon para magtanong pero naagaw ang atensyon ko ng isang nagtatalong waitress at customer.
"Miss, hindi ka ba marunong mag-ingat? Dadalhin mo lang naman yung kape sa akin tapos hindi mo pa magawa? Bobo ka ba?" nanggagalaiting sabi ng babaeng customer, "You ruined my freaking dress!"
"Pasensya na po talaga, Ma'am... G-gawan na lang po natin ng paraan –"
"Gawan ng paraan? Are you kidding me? Paano mo naman 'to magagawan ng paraan? Kaya mo bang palitan itong dress ko? I bet you can't. Barya lang ang sinasahod mo dito kumpara sa presyo ng damit na suot ko na binuhusan mo ng kape!"
Patuloy lamang sa paghingi ng tawad ang kawawang waitress habang hindi pa rin tumitigil sa pagdakdak ang babaeng customer. Nagsalubong ang mga kilay ko habang pinapanood ko ang eksenang nangyayari sa harap ko. Ito namang customer, feeling niya naman bagay na bagay sa kanya yung suot niyang dress. Kung makabulyaw akala mo naman mukha siyang mayaman. Kung hindi pa nga niya ata sinabi na mamahalin ang suot niya, hindi ko iisipin na maykaya siya. Para kasing hindi naman eh. Gandang-ganda sa sarili.
Naaawa na ako sa waitress kasi talagang napapahiya na siya. Pinagtitinginan na kasi sila ng iba pang mga customers na kumakain doon. Baka mamaya magsialisan pa yung ibang customers. Nakakawalang gana ring kumain kapag may ganyan sa paligid mo. At tsaka nasaan ba yung manager ng café? Wala man lang ba siyang kaalam-alam na may gulo na dito? Yung mga barista tsaka ibang waiters, nakatayo lang tsaka nanonood. Naiintindihan ko kung takot sila pero wala man lang bang susubok tumulong sa kanila? Hindi man lang ba nila tatawagin ang manager nila? Kung ako lang kanina ko pa binato ng sapatos itong customer eh. Kating-kati na akong sumawsaw! Nakakaawa na eh.
BINABASA MO ANG
Something About Us [✔]
Fiksi RemajaEverybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya. He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila. I know...