CHAPTER ELEVEN

1.2K 97 18
                                    


 MARAMI rin talaga ang nagbago magmula noong niligtas niya ang buhay ko. Pati na ang impression ko sa kanya.

In fairness ang cute niyang tingnan kapag seryoso... sabi ko sa sarili ko habang pinipigilan ang pagsilay ng isang ngiti sa mukha ko.

"Huwag ka ngang mangopya. Hirap na hirap na nga ako dito eh," bigla na lamang niyang sabi habang abala pa rin sa pagsagot sa exam.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me. Hindi kita kinokopyahan, 'no."

"So ibig sabihin nun, ako pala ang tinititigan mo?" nakangisi niyang tugon habang nakabaling ang tingin niya sa akin.

I just hissed, then focused my attention on the exam. Habang immersed na ako sa pagsagot ng mga tanong, bigla naman akong pineste ng kaklase kong si Harold ng mga tanong. Nakaupo siya sa harap ko, kaya panay ang lingon niya para lang makapagtanong sa akin. Nag-aalala nga ako kasi baka makita siya ng professor namin, tapos isipin pa nilang nagkokopyahan kami. Kapag nahuli kasi kami hindi lang siya ang babawasan ng score sa exam. Pati na rin ako.

"Harold, baka pwedeng huwag ka nang masyadong magtanong," bulong ko, "Baka mahuli tayo ng prof, isipin pa nilang nagkokopyahan tayo."

"Eh Jaira, promise last na 'to. Gusto ko lang magtanong ng formula. Nakalimutan ko na kasi yung iba eh."

Nakagigil na ang Harold na 'to. Nakakastress na ang pagtatanong niya. "Dapat kasi nireview mo yan."

"Eh sige na Jaira... Last na 'to, promise. Ano ba yung formula para makuha yung –"

"Kapag nagtanong ka pa at inistorbo mo si Jaira... Babasagin ko na talaga yang mukha mo," biglang sabi ni Quintus sa malakas na tinig, sapat para marinig ng buong klase.

Napatingin ang lahat sa amin ni Quintus, habang si Harold naman ay parang naubusan na ng dugo dahil sa labis na pamumutla. Hindi naman siya sinaway ng professor dahil parang si Quintus na rin ang gumawa ng trabaho niya na sawayin ang kanina pa nakakaabalang si Harold. At malamang, natakot rin ang professor sa sudden outburst na iyon ni Quintus.

Napatingin na lamang ako kay Quintus, at pinigilan ko ang pagtawa. Naiintindihan ko na kung bakit halimaw kung ituring si Quintus ng iba dito sa school. Kahit sa simpleng pagbabanta niya, mamumutla at manginginig ka talaga sa takot.

Pasimple ko siyang biniro. "Nakakatakot ka talaga," bulong ko.

"Alam ko. Ikaw lang naman ata ang hindi takot sa akin," tugon niya sa akin.

"Hindi naman talaga ako natatakot sayo, 'no."

"Mas gusto kong hindi ka natatakot sa akin. Para hindi mo ako iwasan. Para dito ka lang palagi sa tabi ko," biglang sabi niya habang masuyong nakatingin sa mga mata ko.

Ilang segundo rin akong natigilan habang magkatitig kaming dalawa. Parang tatalon ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa mga sinabi niya, at ramdam ko ang kakaibang init sa pisngi ko habang nakatuon sa akin ang mga titig niya na parang tumatagos sa pagkatao ko.

Pero nang mapagtanto kong masyado nang matagal ang pagtititigan namin ay agad kong binawi ang tingin ko at itinuon na lamang ang atensyon ko sa exam na tinatapos namin.

Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang puso kong nagwawala na sa loob ng dibdib ko.

Ang puso kong nagwawala sa unang pagkakataon dahil sa kanya.




KUNG dati-rati ay naiirita ako kapag paparating si Quintus, nakakaramdam na ako ng saya kapag nakikita ko siya. Every time he enters the café, I can't help but admire his good looks. Gwapo silang lahat na magkakaibigan, pero sa paningin ko ay si Quintus ang pinakagwapo. He exudes this bad boy vibe, kaya iba ang appeal niya kumpara sa mga kaibigan niya. Pero kapag kasama ko siya ay biglang lumalabas ang pagiging makulit niya. Hindi siya yung tipong cute kapag nangungulit. Para siyang six-year-old na spoiled brat na nagtatantrums kapag kinukulit niya ako.

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon