CHAPTER TEN

1.1K 91 17
                                    


AUTOMATIC na lumabas ang pagka-overacting ng nanay ko nang makita si Quintus na nakatayo sa may pinto namin. Nakatuon ang atensyon niya kay Quintus kaya halos hindi niya na napansin nang magpaalam sa kanya si Aiden na papasok na sa school.

Nakasuot ito ng uniform at sukbit ang bag sa likod niya. Nakangiti siya na parang akala mo maamong tupa sa harap ng mama ko. Ibang-iba ang aura ni Quintus kapag nagpapaka-prim and proper siya. Hindi awkward, pero ramdam at alam mong hindi totoo.

Hay naku. Kung alam lang ni mama kung gaano ka-creepy ang itsura ng lalaking yan kapag hindi ngumingiti...

"Good morning po, Ma'am. Kaklase po ako ng –"

"Ikaw daw yung Quintus? Naku, gusto kong magpasalamat sa pagligtas mo sa anak ko. Nasaktan ka pa tuloy dahil sa kanya," hinawakan ni mama ang mga kamay ng naiilang na si Quintus, "Halika dito. Pasok ka sa bahay namin. Nag-almusal ka na ba? Baka gusto mong sumabay sa amin..."

Tinitigan ko nang masama ang nanay ko na patuloy pa rin ang pag-entertain kay Quintus.

Si mama talo pa ang may bisitang artista. Nakakainis.

Tinaasan ko ng kilay si Quintus at napakamot na lamang ako ng ulo dahil sa inis at pagkahiya. Nakakahiya kasi parang ewan ang itsura ko. Magulo ang pagkakatali ng buhok ko, at nakasuot pa ako ng maluwag na t-shirt at pajama.

"Mama, paalisin mo na nga yan –"

"Bakit ka pala napadalaw?" biglang tanong ni Mama kay Quintus.

Mama, sumusobra ka na talaga.

"Eh balak ko po kasi sanang sunduin ang anak ninyo para sabay na po kaming pumasok sa school. Baka mamaya po kasi may mang-harass sa kanya, o kaya balikan na naman siya nung lalaking muntik nang manakit sa kanya noong nakaraan. Sasamahan ko lang po sana para safe."

Halata sa mukha ni Mama na-touched siya sa sinabi ni Quintus. Hindi rin maikakaila ang kilig sa mga mata niya.

Konti na lang talaga mas bagay na silang mag-ina ni Erika. Konti na lang talaga...

"Napakabait mo naman pala talagang bata. Kaya lang hindi makakasabay sayo itong si Jaira ko kasi may sakit. Hindi tuloy makakapasok ngayon sa klase. Hindi ko nga maiwan kasi nanghihina. Eh may pasok pa naman ako sa trabaho kaya hindi ko siya mababantayan–"

"Ako na lang po ang magbabantay sa kanya," tugon ni Quintus na parang hindi man lang nag-isip.

Pinandilatan ko si Quintus. "Eh 'di ba may pasok ka rin?"

"Isang araw lang naman akong aabsent eh."

Tatanggi na sana ako, kaya lang inunahan na ako ni mama na magsalita.

"O sige, bantayan mong maigi ang anak ko ah. Ikaw na ang bahala diyan. Ingatan mo yan ha? Siguraduhin mong kakain siya at makakainom ng gamot."

Tumango si Quintus at ngumiti na parang akala mo ang bait-bait niya, "Opo, Ma'am."

"Nakakailang naman yung pagtawag mo sa akin ng 'ma'am'. Pwede mo naman akong tawaging 'tita' eh," malambing na untag ni mama sa kanya. "O sige at aalis na ako. Jaira, kakain at iinom ka ng gamot, okay?"

Frustrated at naiinis man ay tumango na lamang ako. "Opo, 'Ma."

Matapos noon ay tuluyan nang nilisan ng nanay ko ang bahay namin, leaving me with Quintus na komportableng nakaupo sa sofa at makahulugan ang ngising ipinapakita sa akin.

"Bakit parang tuwang-tuwa pa yung mama mo nung dumating ako dito?" tanong niya sa akin.

"Eh kasi nakwento ko yung nakipagbugbugan ka dun sa nambastos sa akin dati. Ayun, bilib na bilib sayo kasi niligtas mo daw ako," tugon ko sa kanya habang nakaharap ako sa salamin at itinatali ang buhok ko, "Sige na, umalis ka na."

Something About Us [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon