TUMANGO siya at naglakad papalapit sa akin. "Ako nga. Bakit?"
"Ikaw pa talaga ang nagtanong niyan? Ako nga ang dapat nagtatanong kung bakit eh. Bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to? Bakit kailangan mo akong bigyan ng kung anu-ano? Hindi ko naman kailangan ang mga iyon."
"I gave you those things to apologize to you," tugon niya sa akin.
"Apologize? Bakit?" I was in a state of total confusion.
"Muntik ka na naming masagasaan noong nakaraan. Ginagawa ko ang lahat ng ito para makabawi sayo. Natanggap mo ba yung mga pagkain? Yung driver ko na ang inutusan ko para bumili at ibilin sa guard."
Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari noong muntik na akong masagasaan ng isang driver dahil sa pagmamadali ng walang modo niyang amo. Si Quintus ba ang lalaking iyon?
Isa lang ang paraan para makasigurado.
Gamit ang kamay ko, tinakpan ko ang kalahati ng mukha ni Quintus, mula ilong niya pababa. Natitigan ko nang mabuti ang mga mata niya, at doon ko napagtanto kung bakit pamilyar ang mga matang iyon sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. "Ikaw nga! Ikaw yung sira ulong amo nung kawawang driver na muntik nang makasagasa sa akin! Yung gagong nag-iwan na lang pera para daw maka-compensate sa lahat ng mga nangyari! Kaya pala pamilyar ka!"
"So ibig sabihin naaalala mo pa pala ako –"
"Hindi kita nakilala agad pero hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa akin! Akala mo ba abswelto ka na sa mga ginawa mo dahil sa mga tulong at bagay na palihim mong binibigay sa akin? "
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit, hindi pa ba?"
"At sa tingin mo, ganun lang ako kababaw? Nabigyan lang ng kung anu-ano, tapos okay na? Ni hindi ka nga nag-sorry nang maayos."
"Eh 'di sorry. I sincerely apologize for everything," sabi niya na parang napipilitan lang, "Happy?"
"Happy mong mukha mo. Suntukin kita diyan eh. Akala mo ba ganoon lang kadali yun? Muntik na akong mamatay nang dahil sa –"
"Huwag ka ngang OA," naiinis niyang tugon sa akin, "Nag-sorry na ako, hindi ba? Let us not make a fuss about this anymore."
Napailing na lamang ako. Ibang klase rin ang lalaking 'to. "So ganun na lang pala ang lahat? Alam mo, wala pa akong nakikitang tao na kasingkapal ang mukha ng gaya sayo.
"At wala pa akong nakikilalang tao na hindi man lang tinatanggap ang apology ko," tugon niya sa akin.
"Well sorry, kasi hindi ako materialistic kagaya ng ibang mga kakilala mo na pinapatawad ka dahil lang binibigyan mo sila ng kung anu-ano," matapang kong untag habang nakikipagtitigan sa kanya.
Hindi ako basta papatalo sa kanya. Not in this lifetime. Never.
"So ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Gusto mo bang amuhin kita? Gusto mo bang lambingin kita? Tell me."
Kinuha ko ang paper bag na puno ng pagkain at ibinigay ito sa kanya. "Tigilan mo na ang pagbibigay sa akin ng kung anu-ano. Huwag mo na akong susundan sa café at sa bahay namin. Huwag mo na akong tutulungan kasi hindi ko kailangan ang tulong mo. Tigilan mo na ako."
Nilapit ni Quintus ang mukha niya sa akin at nginisian ako. "Paano kung ayoko?"
"Huwag mong hintayin na mapikon ako sayo. Hindi mo alam kung ano ang pwede kong gawin."
"I want to see what you can do," Quintus replied with a smirk.
I hissed and glared at him. Nauubos na ang pasensya ko sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Something About Us [✔]
Teen FictionEverybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya. He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila. I know...