"MAGMUMUKHA akong suman kapag sinuot ko 'to. Bakit ang liit naman ata ng mga damit ng kapatid mo?" tanong sa akin ni Quintus habang tinitingnan ang mga damit ni Aiden na pinapahiram ko sa kanya.
"Malaki ka po kasi, kaya pagtiisan mo na lang yan. Magpasalamat ka na lang na may kapatid akong lalaki dahil kung wala, pagsusuotin kita ng daster ng nanay ko," masungit kong untag kay Quintus, "Tara na dito. Kumain ka na ng almusal. Para naman makauwi ka na sa inyo."
"Pinapauwi mo na ako?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman hindi? Hindi naman dito ang bahay mo. At tsaka baka kung ano pa ang isipin nina mama kapag naabutan ka pa nila dito mamaya." Umalis kasi si mama para pumasok sa trabaho habang si Aiden naman pumasok sa school para sa isang make-up class.
"Pero ayoko pang umuwi."
"Alam mo, para kang bata. Umuwi ka na kasi baka hinahanap ka na sa inyo."
Naupo siya sa hapag-kainan at naglagay ng isang pirasong pritong itlog sa plato niya. "Wala namang maghahanap sa akin doon. Mamaya na ako uuwi. Tinatamad pa ako."
Napailing na lamang ako. "Bahala ka na nga diyan."
Pagkatapos noon ay lumabas muna ako ng bahay para diligan ang mga halaman ni mama. Pagkatapos ay bumalik rin ako sa loob. Pagpasok ko sa bahay ay hindi ko na naabutan si Quintus. Tapos na siyang kumain, at naririnig ko na ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo.
Habang naliligo siya ay sinimulan ko na ang pagwawalis sa loob ng sala. Habang naglilinis ay napansin ko ang isang phone sa ilalim ng center table.
Siguro kay Quintus 'to. Nahulog siguro habang tulog siya.
Pinindot ko ang power button para makita ko ang laman ng screen ng phone niya. Pagbukas ko, nakita ko ang sandamakmak na notifications.
47 text messages, 32 missed calls. Napailing na lamang ako. Grabe.
Hindi ko na sana bibigyan ng pansin iyon at ilalagay ko na sana ang phone sa ibabaw ng center table, pero naagaw ang atensyon ko ng isang notification sa pinakababa ng screen.
Happy birthday!
Isang reminder iyon, at kahapon ang nakalagay na date.
Napatingin ako sa pinto ng banyo. "Ibig sabihin... Birthday niya pala kahapon."
Biglang sumagi sa isipan ko ang paglalasing at pag-iyak niya kagabi. Birthday niya, pero bakit ganoon siya kalungkot?
Hindi ko man lang siya binati.
I bit my lower lip.
Ipinatong ko ang phone sa center table at tinapos ang pagwawalis ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto.
Gusto kong may magawa ako para sa kanya... para sa birthday niya. After all, it's better late than never.
"AKALA ko ba gusto mong mag-chill? Bakit dito mo lang ako sa park dinala?" reklamo ni Quintus habang nakaupo sa bench sa ilalim ng puno ng acacia.
Inaya ko kasi siya kanina. Sabi ko kasi gusto kong mag-chill kung saan. Pero syempre palusot ko lang yun kasi may plano ako para sa kanya.
"Eh sa dito ako nag-eenjoy, bakit ba?"
"Nag-eenjoy kang manood ng mga taong nagpupunta dito? Ang boring naman nun," tugon niya sa akin.
"Kung nabobore ka, eh 'di umalis ka," masungit kong tugon sa kanya.
"Ito naman. Biro lang yun. Huwag ka ngang masyadong sensitive."
I just hissed. Siguro dapat kunin ko na yung cake na binili ko. Baka mamaya layasan na ako ng lalaking 'to dahil sa pagkabagot niya dito.
BINABASA MO ANG
Something About Us [✔]
Teen FictionEverybody knows Quintus Zamora as a monster. Sabi ng iba, para daw siyang hindi nakakaramdam ng sakit kahit pa nakikipagbasag-ulo, at talaga namang halimaw siya kung manakit ng kaaway niya. He's almost a superhuman, base sa mga kwento nila. I know...