Papunta na ko sa XunChangXiangMo. Sa Café na sinasabi ni Dao Ming Si.
Pumasok na ako sa Café. Never pa ako nakapunta dito. Ang ganda. Tapos ang bango.
Nakita ko si Ah Si na nakatingin saakin. Tumayo siya at humatak ng upuan saakin.
"Thanks." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya. Ang cute talaga niya.
"Kanina ka pa ba? Sorry late ako." Tanong ko sa kanya.
"Okay lang. Inagahan ko kasi eh." Sagot niya saakin.
"Ano gusto mong kainin?" Tanong niya.
Tinignan ko yung Menu. Grabe ang mahal pala dito. Pinili ko yung pinakamura. Wala talaga eh.
"Yung pinakamura nalang saakin."
"Hindi. Pumili ka lang diyan ng gusto mo."
Minsan mayabang talaga siya. Pero mabait talaga siya.
"Coffee lang ako."
"Sige yun na yung ioorder ko. Yun nalang din yung saakin. Ako na ba pipili ng flavor?"
"Sige. Sabi mo eh."
Tumayo siya at nagorder na siya ng coffee. Nung nakaorder na siya, binigay niya saakin yung coffee ko. Inamoy ko. Ang bango.
Meron siyang kinuha sa sahig. Merong siyang rose na bulaklak sa kamay niya.
"Eto o, para sayo."
Binigay niya saakin yung Rose.
Inamoy ko.
"Ang bango neto ah, thanks!"
Ngumiti ulit siya.
Baket ba ang cute cute niyaaa.
Merong pumasok na babae sa pinto.
Nadaanan niya kami.
"Oy! Dao Ming Si!" Sigaw niya.
"Hey, Xiao Zi!" Bati ni Ah Si.
"Shan Cai, si Xiao Zi, yung childhood friend ko." Sabi ni Ah Si.
"Ah, hi!" Bati ni Xiao Zi.
"Hello!" Sabi ko in a friendly way.
"Girlfriend mo ba siya, Ah Si?"
Nagulat ako sa tanong niya. Parang hindi siya marunong tumikom ng bibig. Para kasing masyadong public para itanong niya yon.
"Actually, friend ko siya, pero may date kami. Heh."
"Eh bakit kayo nagdadate kung friends lang kayo?"
"Uhm, pupunta lang ako sa restroom."
Yes, sumingit ako sa usapan nila para malaman nila na nasa harapan ako nila. Masyado talagang pangprivate yung usapan nila eh.
"Sige." Sabi ni Ah Si.
Nung bumalik na ko, nakita ko na nakaupo sa Xiao Zi sa upuan ko. Lumapit ako sa table namin at nagkunwaring umuubo ako, just so umalis si Xiao Zi.
"Ay sorry, may pinagusapan lang kami ng future 'boyprend' mo."
"Ah, k."
"Dito ka nalang Xiao Zi, o." Sabat ni Ah Si habang hinahatak niya yung upuan sa tabi ng upuan niya para kay Xiao Zi.
Date to diba? Bakit sa tabi pa niya talaga yang childhood friend niyang yan nakaupo?
Dahil bored na bored na ako at feeling ko out of place na ako dito, niring ko yung phone ko at kunwaring tumawag yung Mom ko.
"Hello Ma, huh? Ano? Sige papunta na ako diyan." Ang sabi ko habang nakikinig si Ah Si sa sinasabi ko at nasa tenga ko yung phone ko
"Bakit daw?" Tanong ni Ah Si.
"May emergency. Uuwi na ko."
"Teka, ihahatid na kita."
"Hindi, wag na. Mag-enjoy nalang kayong dalawa."
"Teka! Shancaiiiii!"
Kinuha ko yung bag ko at umalis na. Anong klaseng date yon? Nakakabaliw.
————— • —————
nakuuu! selos much, shancai? hahah, di ko sure kung *Xiao Zi or Xiao Xi* yung spelling ng name ni monkey girl. may isospoil na ko ah, di magiging mang-aagaw si monkey girl sa story ko.
BINABASA MO ANG
𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)
Фанфикpano ba itrato ang isang dao ming tulad ni dao ming si? as a friend, o iba na? highest rank: #4 - f4 #4 - meteorgarden