Miss ko na siya, yung dating Dao Ming Si na kilala ko. Bakit ba kasi ng dahil lang sa selos naging ganito na kami? Paano kaya kung magpanggap nalang ako na walang nangyari at okay lang ako. Parang okay lang yung lahat? Oo nga! Pwede!
"Alam mo, sa tingin ko, okay lang kami ni Ah Si." Kwento ko kay Xiao Yu.
"Huh? Pano kayo naging okay? Eh diba parang naiinis siya tuwing nakikita ka niya?" Tanong ni Xiao Yu.
"Alam mo, nagpapanggap lang ako. Baka sakali... maging okay na talaga kami ni Dao Ming Si. Kapag okay na kami, hindi na namin uulit ang ganitong klaseng sitwasyon."
"Pero Shan Cai, oo nga mukhang madali lang yon gawin pero hindi. Mahirap din magpanggap dahil kailangan mong pigilan ang feelings at emosyon mo kahit ano pa ang mangyari."
Oo nga no. Bat di ko yon naisip?
"Hindi! Madali lang yan! Kayang kaya ko to!"
Nakasalubong namin yung F4.
"Hello sa inyo!" Bati ko sa kanila nang nakangiti.
Tinignan lang ako ni Dao Ming Si. Parang gusto niyang sabihin saakin na ang awkward ko.
"Hi... Shan Cai." Sagot ni Xi Men.
"Mauna na ako sa klase ah! Bye!" Paalam ko sa kanila.
Umalis na kami.
"Halatang nagpepretend lang si Shan Cai. Anong nakain non?" Sabi ni Mei Zuo habang umaalis kami. Naririnig ko parin.
"Oo nga eh. Halatang fake smile." Sagot ni Xi Men.
"Shan Cai."
Tumalikod ako.
Si Dao... Ming... Si...
"Simula ngayong araw na ito magpanggap tayo na hindi tayo magkakilala at walang nangyari saatin. Wala na tayong pakialam sa isa't isa."
Teka ano? Magpanggap na hindi namin kilala ang isa't isa? Bakit?
"Pe- pero-"
"Hindi ba yon madali? Ang dali dali lang hindi mo pa magawa?"
Parang naiiyak na ako. Wala akong magagawa. Tumulo na yung luha ko sa pisngi ko.
"Da- Dao Ming Si."
Parang robot yung pagtawag ko. Ang hirap kontrolin ang sakit sa ulo, ang sakit sa puso, ang sakit sa katawan.
"Miski umiyak ka pa diyan, wala na akong gagawin para sayo."
Umalis na yung F4. Nakatingin si Lei saakin habang naglalakad sila. Feeling ko ang naiisip ni Lei paawa ako.
"Xi- Xiao Yu."
"Shan Cai, huwag ka ng umiyak."
"Bakit kasi ganito agad ang nangyari?"
"Shan Cai, kakasabi ko lang kanina... mahirap magpigil ng feelings. Kapag ang isang tao ay may ayaw sayo, wala ka nang magagawa."
"So, ayaw na niya saakin?"
"Baka... ganun na nga... Pero hayaan mo Shan Cai! Move on ka muna sa lalakeng yon!"
Umiyak pa lalo ako. Ayoko na. Kung pwede lang maibalik yung past, naayos ko na ang lahat.
———— • ————
huhu. shancai move on ka na beshyyy. petmalu nga pala ending okay? oops, nagspoil aq.
BINABASA MO ANG
𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)
Fanficpano ba itrato ang isang dao ming tulad ni dao ming si? as a friend, o iba na? highest rank: #4 - f4 #4 - meteorgarden