31 - Christmas (Special)

73 9 0
                                    

After doon sa punishment ko, umuwi na din kami agad dahil wala man lang kaming dalang jacket. Eh, ang lamig lamig ng panahon kapag gabi na eh.

Dahil malayo din ang bahay ni Dao Ming Si, he will stay muna sa bahay ko.

"Dao Ming Si," Tawag ko sa kanya.

"Oh?"

"Sorry, medyo makalat bahay ko."

"Okay lang yon."

Actually, medyo awkward dahil first time lang siyang makapasok sa kwarto ko at dito din siya matutulog.

[Fast forward]

12:05am

"Dao Ming Si!" Gising ko sa kanya.

"Ano? Hindi ka pa rin natutulog?" Medyo inis siya sa pagtanong.

"Merry Christmas, Dao Ming Si!"

Tinignan niya ako at biglang tumahimik yung kwarto. Awkward...

"Pasko na pala?!"

"Baliw ka ba? Nakalimutan mo na?!"

"Merry Christmas, Shan Cai."

Ngumiti siya.

"Ngayon lang ako magcecelebrate ng pasko kasama ka." Sabi ko habang ngumingiti.

"Ako din eh." Sagot din niya.

Tumayo ako sa kama at tumayo din si Dao Ming Si sa nilatag kong higaan sa sahig.

Lumapit ako sa drawer ko at kinuha yung regalo ko para kay Dao Ming Si.

"Ah Si,"

"Bakit?"

"Oh, Merry Christmas."

Inabot ko sa kanya yung regalo.

Kinuha niya ito.

"Thank you!"

Binuksan niya.

"Wow! Pano mo nalaman na ganito yung tatak ng mga jacket ko?"

Natawa ako.

"Syempre, hindi ba halata?!"

Tinuro ko yung logo sa jacket niyang suot habang tumatawa.

"Hm, thank you. Alam mo palang paborito ko to."

"Wala yon."

"AT DAHIL DIYAN, MAY GIFT DIN AKO SAYOOOO! MERRY CHRISTMAS, SHAN CAI!" Sigaw niya.

Inabot niya saakin yung regalo.

Kinuha ko, tinignan ko muna bago buksan. Maliit lang siya. Hindi ko mahulan.

"Ano ba toh?"

"Bat mo pa tinatanong, buksan mo na kaya!"

Nakinig ako sa kanya at binuksan ko nga ito.

Box siya.

"Anong magagawa ng isang box na maliit?!" Tanong ko.

"Hay, Shan Cai! Ang slow mo talaga! Buksan mo kaya!"

Inirapan ko siya.

"Oo na! Slow na kung slow!"

Binuksan ko yung box. Meron isang necklace sa loob. Mukhang meteor yung design. Isang Meteor Necklace.

"O, ano? Nagustuhan mo?"

"Oo. Thank you."

Kinuha niya yung Meteor Necklace at nilagay sa akin.

"Pero Dao Ming Si, hindi ako nagsusuot ng neck——"

"Pero kailangan mong isuot yan. Para sakin mo naman yan gagawin eh."

Nginitian ko siya.

"Tara." Aya niya sakin, hatak hatak yung kamay ko.

"Uy, teka, saan ba tayo pupunta?"

Hindi siya sumagot, naglakad parin kami. Nakasunod parin sa kanya.

The next thing na na nalaman ko ay nasa labas kami. Ngayon ko lang din napansin na iba na yung suot ni Dao Ming Si na jacket. Suot na niya yung galing saakin.


»—————— • ——————«

merry Christmas! kamusta pasko nyooo?❤️

 𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon