Nakita ko si Dao Ming Si. Tumatakbo papunta sakin. Ano kayang sasabihin niya? Akala ko ba wala na kaming koneksyon sa isa't isa? Nakakainis naman oh!
Hindi ko na napigilan. Tinalikuran ko si Dao Ming Si. But it was too late.
"Shan Cai."
Humarap ako.
"Shan Cai,"
"Ano?!"
"Bakit?"
"Ha? Anong bakit?"
"Bakit mo yon ginawa?"
"Ang alin?"
"Eto o."
May pinakita siyang letter.
Nakita niya pala yon. Pano niya yon nakuha? Hindi kaya si Xiao Yu yung nagbigay? Nakakahiya. Napaluha nalang ako.
"Dao Ming Si... matagal ko na sana gustong sabihin sayo yung sagot ko. Na oo. Kaso, ayaw mo na."
"Shan Cai! Alam mo naman na hindi na pwede diba?! Para saan naman tong letter?!"
"Ka-nino mo yan na-nakuha?"
Tumulo yung luha ko sa pisngi ko.
"Kay Xiao Yu. Shan Cai, uulitin ko. Hindi na pwede maging... tayo."
"O, sige nga... bakit? Ano yung dahilan? Bakit hindi na pwede? Bakit hindi na pwedeng maging tayo?! Sabihin mo sakin!"
Sa wakas, nasabi ko na ang gusto kong sabihin. At gusto kong malaman. Nagkaroon din ako ng courage na masabi yon.
"Dahil... hindi kita gusto!"
"Tumingin ka sa mga mata ko... at ulitin mo ang sinabi mo!"
"Hi-hindi kita——"
"Ang kulit mo kasi eh. Ulitin nga natin simula sa umpisa! Nakakainis ka!"
Tumalikod ako at handa na kong umalis. Pero may biglang tumigil saakin. Si Dao Ming Si.
"Pasensya na ha, nagiging... ganito ako dahil sa pang aabuso ng nanay ko saakin. Pero sige, subukan ulit natin." Kalmadong kalmadong sinabi ni Dao Ming Si.
Napangiti ako. Napangiti ako habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala na pagbibigyan ako ni Dao Ming Si. Sa dami na nakukuha niyang sugat, sakit, at masasakit na salita galing sa nanay niya. Pagbibigyan pa rin niya ako.
Tumalikod na si Dao Ming Si.
"Dao Ming Si,"
Lumingon siya.
"Thank you. Thank you sa lahat. Sa lahat lahat."
Ngumiti lang siya at umalis papuntang klase. Pinunasan ko yung mga luha ko at pumatungong klase. Grabe, ang saya saya ko.
BINABASA MO ANG
𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)
Fanfictionpano ba itrato ang isang dao ming tulad ni dao ming si? as a friend, o iba na? highest rank: #4 - f4 #4 - meteorgarden