Nakipagkwentuhan ako kay Xiao Yu. Tapos, umalis na din siya kaagad. To be honest, medyo natuwa na ako dahil umuwi na si Xiao Yu. Inaantok kasi ako eh. Luh, napansin kaya niya na inaantok ako kaya na siya umalis? Ano ba yan. Kahihiyan lang ako sa sarili ko.
Umupo muna ako sa may desk ko. Naisipan ko munang magbasa ng libro. Nung nakuha ko na yung libro na gusto kong basahin, napansin ko na...
Wala na yung letter para kay Dao Ming Si. Nasaan na kaya yon? Hindi kaya... nakuha ni Xiao Yu? Ay, hindi naman siguro. Bakit niya yun kukunin kung hindi yun sa kanya? Kung makuha man niya yon, tatapon niya din yon. Para kay Dao Ming Si naman eh, hindi para sa kanya.
Xiao Yu's POV
[Monday, Before class starts]
Pumasok na ako sa Ming De. Wala pa rin si Shan Cai. Bakit kaya? Lagi namang mas maaga si Shan Cai kaysa saakin pagpasok. Absent na kaya siya? Teka, tamang timing na ata ito para ibigay yung letter kay Dao Ming Si! Sige, ibibigay ko na.
Tumakbo ako sa hallway at hinanap si Dao Ming Si. Nahanap ko si Xi Men.
"Xi Men."
"Oh?"
"Asan yung kaibigan mong si Dao Ming Si?"
"Ewan, bakit?"
"Basta. Anyways, thanks."
"Uhm, okay..."
Tumakbo ulit ako ng tumakbo. Sa wakas, nakita ko na si Dao Ming Si.
"Dao Ming Si,"
"Ano?"
"May sasabihin ako sayo."
"Kung tungkol ito kay Shan Cai, umalis ka na." Sagot ni Dao Ming Si habang nakatingin saakin ng nakasimangot.
"Tungkol nga ito kay Shan Cai, pero importante to."
"Psh... oh, ano yon?"
Kinuha ko sa bag yung letter at binigay ito sa kanya.
"Oh, ano toh?" Tanong ni Dao Ming Si saakin habang kinukuha saakin yung papel.
"Basta, basahin mo. Hindi namin to pinlano. Nakita ko lang yan sa desk ni Shan Cai. Kinuha ko lang."
"Eh anong gagawin ko rito?"
"Basahin mo."
"Tapos?"
"Gusto ko lang malaman mo na mahal ka ni Shan Cai. Yan ang patunay. Kaya dapat wag mong paglaruan ang kaibigan ko, kung hindi, lagot ka saakin." Matapang kong sinabi.
Tinignan niya yung letter at natawa.
"Hah, mahal niya ako? Ang sabihin mo wala na siyang pakialam saakin."
"Bahala ka. Bahala ka sa paniniwala mo, bahala ka kung itapon mo yan, bahala ka din kung itapon mo yan. Basta yan ang patunay na mahal ka talaga ng kaibigan ko. Kaya please, ayusin niyo ang relasyon niyo."
Iniwanan ko na si Dao Ming Si.
BINABASA MO ANG
𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)
Fanfictionpano ba itrato ang isang dao ming tulad ni dao ming si? as a friend, o iba na? highest rank: #4 - f4 #4 - meteorgarden