Dao Ming Si's POV
Binasa ko yung letter na binigay ni Xiao Yu saakin papuntang class.
Dao Ming Si, i'm very sorry. Sorry sa lahat. Pasensya na kung ako ang dahilan kung bakit ka malungkot ngayon. Sana mapatawad mo ako bilang kaibigan sa susunod at sana maka move on na tayo parehas para maging masaya na tayo.
Dumaan si Mei Zuo at nakita ako. Nilapitan niya ako.
"Huy bro, ano yan? Love letter? Pabasa!" Sabi niya sabay pagkuha.
"Huy, ano ba?! Wag mo ngang pakialaman ang privacy ng iba!" Sabi ko habang kinukuha sa kanya yung letter.
Itinataas niya at inilalayo yung letter habang binabasa ng malakas.
"Sana maka move on na tayo parehas para maging masaya na tayo. Teka, kay Shan Cai ba to galing?"
Tumango ako habang nakasimangot.
"Psh, lang kwenta."
Kinuha ko sa kanya yung papel at nilukot ko yung papel. Galit na galit na parang gusto kong manuntok. Hindi ko maintindihan yung feelings ko. Galit ba ko, o nalulungkot, o nahihiya, o... inlove? Nako, hindi. Hindi na pwede.
"Ah Si,"
Pinigilan ako ni Mei Zuo. Hawak hawak yung balikat ko.
"Ah Si, sabihin mo nga. Ano bang problema mo?"
"It's none of your business."
"Ah Si, kung hindi ko na to problema, para saan pa yung F4? Pano natin maayos lahat ng problema nang isa kung itatago lang natin? Ah Si, naiintindihan kita. Pero magkakaibigan tayo diba? Kailangan nating magtulungan."
"Sorry, I have to go."
Inalis ko yung kamay ni Mei Zuo sa kamay ko at tumuloy sa paglalakad. Inisip ko lahat ng sinabi ni Mei Zuo habang naglalakad ako. Nauntog pa nga ako sa locker kakaisip eh. Inintindi kong mabuti bawat salita ni Mei Zuo. Naintindihan ko na. Gusto ko sanang malaman nila yung mga nangyari. Yung lahat. Lahat lahat. Kaso, nakakahiya eh. Ayoko. Ayoko na parang gusto ko. Eh kaso lang...
Kung hindi ko sasabihin, magugulo na yung F4. Kung sasabihin ko naman, mas lalong magiging magulo ang sitwasyon.
Ang gulo gulo ng isip ko. Inisip ko paring mabuti papuntang klase.
———— • ————
ang gulo ng isip nyong dlwa. grabe.
BINABASA MO ANG
𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)
Fanfictionpano ba itrato ang isang dao ming tulad ni dao ming si? as a friend, o iba na? highest rank: #4 - f4 #4 - meteorgarden