Pagdating ko dito sa XunChangXiangMo, nakita ko agad si Dao Ming Si. Bigla ko ding naalala yung mga nangyari saamin dito. Yung pagdating ni Xiao Zi, yung pagselos ko, at yung pagiwan sa kanilang dalawa dito.
"Ano ba yan, Shan Cai. Inaalala mo pa rin yon?" Tanong ko sa sarili ko.
Nakita niya ako at ngumiti saakin.
Ngingitian ko siya pabalik. Lumapit ako sa table niya.
Nung nakalapit na ako, tumayo siya at hinatak niya yung upuan para saakin. Ano ba yan, hanggang ngayon, sweet.
"Thank you."
Ngumiti lang siya. Ulit.
Nung makaupo si Dao Ming Si, tinanong niya ako.
"Ano gusto mo?"
"Kape lang."
"Parang yung dati mong——"
"Uhm, please wag mo na ibalik yung past. Heh."
"Ah, okay sorry."
"Dao Ming Si,"
"Oh?"
"Pwede bang gawin mo ulit yung bossy at walang pakialam sa paligid niya na Dao Ming Si? Hindi na kasi ako sanay sa sweet na Ah Si eh. Heh."
"Sige! Sabi mo yon ah!"
Tumawa lang ako.
"Magoorder lang ako."
"Sige."
Pagbalik niya, may hawak siyang tray, meron na ding dalawang kape sa tray.
"Ayan na," Sabi niya habang pinapatong yung tray sa table.
"Dapat maubos mo yan, kung hindi"
"Kung hindi, ano?!"
"Kung hindi, may punishment." Dagdag niya.
"Ano naman yung punishment?" Tanong ko habang natatawa.
Ngumiti siya at tinuro yung cheeks niya. Pinapalabas niya na yun yung punishment. Kiss sa cheek.
"Uh, ew!" Tawa ko.
Hindi ako sure kung nagbibiro ako.
"Basta, kahit ayaw mo. Yun yung punishment."
"Ayoko."
"No. Punishment ay punishment!"
Inirapan ko lang siya at uminom ng uminom ako ng kape.
[Fast forward]
"Oh, ano? Busog ka na?"
"Hindi ko na maubos!"
Ngingitian niya ako.
"Bakit?" Tanong ko na naguguluhan.
"PUNISHMENT!~"
"Ay... oo nga pala."
Tumawa siya.
"Uubusin ko na toh!"
Hinawakan ko yung tasa at uminom.
"Wala, bawal na! Sabi mo hindi mo na maubos!"
"Ang daya naman!"
"Hahah, dali na!"
"Dao Ming Si!"
"Ano?"
"Sure ka ba?"
"Huh?"
"Sure ka na gagawin ko dito?"
"Ano naman?"
"Nakakahiya kasi."
"Anong nakakahiya, kahit sumigaw ka pa dito walang nakakahiya!" Sigaw niya.
"Huy! Tumahimik ka nga!"
"Gawin mo na kasi!"
"Sige na nga."
Tumayo ako at... kiniss ko siya sa cheek.
Bigla nalang akong umupo sa upuan ko. Yun yung first time kong halikan si Dao Ming Si. Hindi ko alam kung nadidisgust ako o ewan.
Natatawa at nakangiti doon si Dao Ming Si.
"Ano ba, para kang baliw diyan!"
"Ano bang paki mo?" Sagot niya habang tumatawa.
Inirapan ko nalang siya. Buti talaga wala masyadong nakakita non. Ugh.
—————— • ——————
cringeeeee
BINABASA MO ANG
𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)
Fanficpano ba itrato ang isang dao ming tulad ni dao ming si? as a friend, o iba na? highest rank: #4 - f4 #4 - meteorgarden