nakita ko si xiao yu palabas ng mingde.
"xiao yu." tawag ko sa kanya.
gusto ko syang makausap. baka sakali namang kausapin nya ako ngayon.
tumingin sya sakin.
"pwede ba tayong magusap?"
tumango sya.
pumunta kami sa may bench para doon kami makapag usap.
"xiao yu, ano bang nangyari sayo?" tanong kong parang naguguluhan.
"anong ibig mong sabihin?" mahina nyang tanong.
"bakit ka nagkaka ganito? may problema ba tayo? sabihin mo."
lumuha sya ng konti.
"sorry shancai."
"bakit nga?"
"eh kasi.."
"xiao yu, madali naman akong kausap, kung ayaw mo edi sa susunod nalang."
tumayo ako kaso pinigilan ako ni xiao yu kaya napaupo ulit ako.
"shan cai, akala ko kasi galit ka saakin kaya nagsimula na akong lumayo.. sorry shan cai."
"bakit naman ako magagalit sayo?"
"tanda mo dati yung letter mo kay dao ming si nawala?"
"pano mo yun nalaman?"
"nabasa ko kasi yon dati sa desk mo nung pinapunta mo ko sa bahay mo."
"ikaw kumuha non?"
"akala ko kasi makakabuti kung tulungan kita ng hindi mo namamalayan para unti unting mapapalapit si dao ming si sayo."
"salamat sa pagalala, xiao yu. pero bakit mo ko iniwasan?"
"kasi nakita ko kayo dati nagaaway habang ikaw umiiyak. akala ko kasalanan ko yon dahil binigay ko kay dao ming si yung letter. pasensya na shan cai.."
napangiti ako.
"okay lang yon, xiao yu. salamat ha?"
parang naguluhan yung expression ng mukha nya.
"saan?"
bibiruin ko sana sya at sasabihing "sa puso mu" kaso hindi tama yung timing.
"maayos na kami ni dao ming si nang dahil sa letter na yon."
"eh diba nagaway ulit kayo dahil sakin? kaya mas nainis ako sa sarili ko eh."
"okay lang yon. maayos na din naman namin to ni dao ming si."
niyakap nya ako at niyakap ko sya pabalik.
BINABASA MO ANG
𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)
Fanficpano ba itrato ang isang dao ming tulad ni dao ming si? as a friend, o iba na? highest rank: #4 - f4 #4 - meteorgarden