24 - Letter

82 13 0
                                    

Xiao Yu's POV

Nandito na ako sa harap ng pinto sa bahay ni Shan Cai. Kinakabahan ako. Parang bad mood kasi siya kanina eh. Ayoko na kasing maulit yung nagalit siya saakin dahil sinabi ko kay Xhing Ha na ayaw ni Shan Cai sa kanya. Gusto kasi ni Xhing Ha si Shan Cai. Kaya ayun, nagalit saakin si Shan Cai. Nakakahiya daw kasi kay Xhing Ha. Ilang araw niya akong hindi pinansin noon.

Kakatok na ako.

First knock, second knock, third knock.

"Shan Cai, andito na ko!" Sigaw ko sa harap ng pinto.

Binuksan ni Shan Cai yung pinto.

"Oh, Xiao Yu, andito ka na pala. Tara pasok ka na."

"Ah, sige."

Pumasok kami papunta sa kwarto niya. Wow, ang layo sa bedroom ko. Ang linis. Samantalang yung saakin, makalat.

"Ang linis ah, magwalis ka?"

"Oo. Wala akong magawa eh. Upo ka muna."

"Sige, thanks." Sagot ko habang umuupo ako sa may desk niya.

"Ano gusto mo? Drinks, pagkain, ano?"

"Uh, water lang."

"Sige kuha lang ako."

Iniwan na niya ak sa kwarto niya.

May nakita akong papel sa desk niya, ewan ko kung private yon. Hindi naman nakatabi eh, kaya binasa ko.

Dao Ming Si, i'm very sorry. Sorry sa lahat. Pasensya na kung ako ang dahilan kung bakit ka malungkot ngayon. Sana mapatawad mo ako bilang kaibigan sa susunod at sana maka move on na tayo parehas para maging masaya na tayo.

Oh, para kay Dao Ming Si pala to. May nangyari kaya sa kanila? Ito kaya yung dahilan kung bakit parang bad mood si Shan Cai? Kailangan kong makatulong sa kanilang dalawa, ibigay ko kaya to kay Dao Ming Si? Wala muna akong gagawin, itatabi ko lang muna itong letter para kay Dao Ming Si, ibibigay ko ito sa Ming De. Sa Monday after class.

"Xiao Yu, eto na!"

"Uh, uhm, sige. Thanks." Sabi ko habang tinatago yung letter sa bag ko.

"Ano yan, Xiao Yu?"

"Ah hindi, wala to!" Ang sabi ko habang sinasara yung zipper ng bag ko ng mabilis.

"Okay... Nga pala, eto yung tubig mo."

"Ah, thanks."

Uminom ako ng tubig.

"Oo nga pala, kamusta na kayo ni Dao Ming Si?"

Tumahimik sa room niya. Ang awkward.

"Uhm, uh."

"Kung ayaw mo namang sagutin, okay lang. Heh."

"Actually, hindi kami okay."

"Huh? Bakit naman?"

"Ako na ang naghahabol, ayaw na niya.

"Edi ba siya yung naghahabol sayo noon?"

"Oo."

"Tapos ang ginawa mo hindi mo siya pinansin diba?"

"Oo."

"Edi, wag mo siyang pansinin. Malay mo, habulin ka ulit."

"Hindi na yon, Xiao Yu."

"Igigive up mo na ba talaga kayo dahil lang sa ganun ganun na lang?!"

Oops, aksidente akong napasigaw.

"Wag ka ngang makialam!"

"Sorry, Shan Cai. Nabigla lang ako."

"Sorry din, nabigla lang din ako."

"Pero igigive up mo lang ba talaga kayo dahil lang sa selos?"

"Ewan, pero mahirap kapag ang isang tao lang ang kikilos. Dapat balanced. Dapat si Dao Ming Si din... gumagawa ng paraan."

"Kausapin ko gusto mo?"

"Huh? Hindi! Wag!"

"Eh ano? Tutunganga ka lang dito?"

"Maghihintay muna ako ng panahon. Malay mo, magkaroon ng changes."

"Pwede rin."

"Magpahangin kaya muna tayo sa labas?"

"O sige!"


———— • ————

yie, nakapagud ulit sa wakas! ano kaya mangyayari sa letter kung ibibigay ni xiao yu kay dao ming si? magagalit kaya si shan cai? nga pala guys, gusto niyo bang simulan ko na yung restart my heart? gusto ko na kasi eh, kaso mahirap mag manage ng tatlong story. baka magkaroon ng slow ud. tulad nitong f4's bestfriend, bumagal yung update nung naguud na ako sa crush struggles. anyways, sana maenjoy niyo pa rin tong story kasi yung iba sad sa story ko kashi daw ang sad na daw ni shan cai. inip na daw siya. gusto niya daw ulit na maging masaya si shan cai. spoiler alert! malapit na maging masaya si shan cai! magiging masaya na sila ni ______! hulaan niyo kung si lei, ah si, or may ibang panggulo sa story! heheh enjoy pa rin ah! smile and have a good day! lovelots xx💗

 𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon