21 - I will Stay

83 13 2
                                    

After class, umupo muna ako sa bench. Wala na akong kasama umalis ba kasi mga friends ko. Sana nakauwi na din yung F4. Baka mapahiya ulit ako tulad kanina.

Naisip ko ulit yung mga sinabi ni Dao Ming Si kanina.

"Simula ngayong araw na ito magpanggap tayo na hindi tayo magkakilala at walang nangyari saatin. Wala na tayong pakialam sa isa't isa."

"Miski umiyak ka pa diyan, wala na akong gagawin para sayo."

Naisip ko din yung mga sinabi ni Xiao Yu.

"mahirap magpigil ng feelings. Kapag ang isang tao ay may ayaw sayo, wala ka nang magagawa."

Oo nga tama siya. Mahirap nga magpigil ng feelings. Tama din siya, kailangan ko mag move on sa walang kwentang lalakeng yon. Bakit ko ba siya iniyakan?

"Hello? Shan Cai? Okay ka lang?"

Luh, si Lei pala yon. Hindi ko napansin na nakaupo siya sa tabi ko.

"Uh, Lei! Ikaw pala! Heh."

"Okay ka lang?"

"Oo naman!"

"Iniisip mo parin ba yung kanina?"

"Hindi. Hindi, wala na akong gusto sa baliw na lalakeng yon."

"So gusto mo si Ah Si dati?"

"Niyaya niya ako magdate nung nakaraan... Oo na sana sagot ko kaso dahil sa selos ko, nagkagulo na. Kaya din hindi kami nagpapansinan."

"Alam mo Shan Cai, okay lang magselos kahit minsan. Nagseselos ka lang kasi dahil mahal mo siya."

"Pero Lei, wala na akong makakasama dito sa Ming De. Malapit na maggraduate mga friends ko."

"Don't worry, Shan Cai. I'll always be here for you."

Napatingin ako sa kanya.

"Uh.. thanks, Lei!"

"Hangga't malungkot ka, hindi kita iiwan. Hayaan mo muna mag-isa si Ah Si. Hayaan mo muna siyang mag-isip tungkol sa relationship ninyo."

Ngumiti nalang ako. Yung first crush ko hindi ako iiwan hangga't malungkot ako? Omg. Pero hindi yun yung nasa isip ko. Syempre yung tungkol kay Dao Ming Si yung iniisip ko. Kung magiging okay naman kami, anong mangyayari kay Xiao Zi? Mabait siya pero, ayoko talaga sa kanya. Ewan ko lang din kung bakit. Baka selos ulit? Ano ba yan.

 𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon