Bumalik na ulit ako ng kusina at tinago ko na yung phone ko. Kinuha ko na din lahat ng mga kailangan ko para sa macaroni salad.
"Oy."
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Damihan mo mayonaise." Utos niya.
"Oo na, alam ko." Sagot ko.
Kumuha ako ng kutsilyo at sinimulan ko nang maghiwa ng mga carrots.
[Fast forward]
"Dao Ming Si!"
"Bakit?"
"Ang hirap maghiwa. Tapos ang tagal tagal! Medyo marami pa toh!"
"Gusto mo tulungan na kita?"
"Aray!"
"Bakit?"
Tumayo siya at lumapit saakin.
Nakita na niya yung kamay ko. Nahiwa kasi ako ng kutsilyo.
"Tara dito."
Inalalayan niya ako papunta sa upuan habang hawak hawak niya ang daliri ko.
Inupo niya ako sa upuan.
"Shan Cai, asan yung medicine kit mo?"
"Ayun. Malapit sa cabinet."
"Sige, wait lang. Kukunin ko lang."
I just nodded.
Tumayo siya at kinuha niya yung med kit.
Bumalik siya at hinawakan yung daliri ko.
Nilinis niya yung daliri ko.
"Ah, aray."
"Sorry."
"Hindi, okay lang."
"Shan Cai kasi eh, ang clumsy mo." Sabi niya habang naglalagay ng band aid sa daliri ko.
Pagkatapos niya akong gamutin, tumayo ako at bumalik sa kusina.
Pinagpatuloy ko yung paghihiwa.
"Shan Cai! Itigil mo na yan. Ako na ang gagawa."
"Ako na, kaya ko to."
"Ang kulit mo talaga."
Nilapitan niya ako at niyakap ako sa likod ko. Bumitaw siya sa yakap at kinuha yung kutsilyo sa kamay ko at nagsimula ng maghiwa.
Tinignan ko siya at nginitian.
"Sa tingin ko, kailangan kitang alagaan habang buhay."
![](https://img.wattpad.com/cover/163841913-288-k36427.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐟𝟒'𝐬 𝐛𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝 ➴ caisi (dyshen)
Fanficpano ba itrato ang isang dao ming tulad ni dao ming si? as a friend, o iba na? highest rank: #4 - f4 #4 - meteorgarden