Chapter 2

580 23 0
                                    

Hailey's POV

      "Bye sissy!" sigaw ni Ate. Gusto ko naman talagang lingunin siya, hindi naman ganon kalalim ang pride ko para lang pag-awayan namin ang hindi lang pagpayag ni Mama sa hindi ko pagpasok.

Tama naman si Ate kasi kelangan kong pumasok para makapagtapos katulad din ng sabi ni Mama. Pero talagang umiiral ang pride ko, kaya hindi ko na siya nilingon. Dire-diretso lang ako sa loob. Binati ako ng guard.

"Hi Mira!" bati ni Kuya Lino. Close kami ni Kuya Lino dahil simula nang dito ako nag-aral, siya na ang nagliligtas sakin mula sa mga bully. Pero ngayon, hindi naman na ako masyadong nabubully. Hindi na kasi ako yung dating nerd na kilala nila.

Nginitian ko lang si Kuya Lino dahil wala nga ako sa mood para makipagbatian. Nakayuko lang ako habang naglalakad papunta sa room ko.

Pagkapasok ko sa room ko, as usual, maingay na naman dito. Sanay na ako kasi lagi namang ganito kapag dadating ako. Tinignan ko ang wrist watch ko at 7:40 pa lang pala. Ang aga pa.

Pinadlock ko ang bag ko at saka lumabas ng room. Sabi kasi ni Mama, kapag daw aalis ako ng hindi kasama ang bag, lagyan ko daw ito ng padlock para daw kahit may makapasok na magnanakaw sa school o sa bahay namin, hindi nito mabubuksan ang bag ko. Kaya nga kapag aalis kami sa bahay, inilalagay ko lahat ng importanteng gamit ko sa bag at ipinapadlock ito. Just in case lang naman.

Dumiretso ako sa cafeteria. Nakita ko ang mga kabarkada ko na nakaupo sa respective seat namin. By the way, isa din sila sa mga dahilan kung bakit hindi na ako masyadong nabubully. Masyado na kasi nilang kabisado ang ugali nang mga kaklase namin ngayon kaya malaki na lang ang takot nila sa kanila.

Umupo ako sa natitirang seat dito sa pwesto namin. Naririnig ko ang usapan ni Elena at Niana tungkol sa K-Pop na yan habang si Heaven naman, kumakain ng burger at soda at pinapanood ang bangayan ng dalawa. Si Niana kasi, isa sa mga Blinks yan, samantalang si Elena naman ay Army. Hindi na ako dapat sumali sa away nila dahil I'm both fan of BlackPink and BTS.

Teka nga, bakit wala si Eisha? Siya nalang ang makakadaldalan ko sa oras na ito wala pa siya? Aish! Kamalas-malasang buhay nga naman nito.

Hindi pa din nila napapansin ang presensya ko. Kanina pa ako nakaupo dito, hello!

Dahil nagugutom na din ako, tatayo na sana ako para pumila-este makisingit sa pila sa cafeteria ng biglang maghiyawan at magsitilian ang mga babae. Yung iba, pigil na pigil yung tili habang nakatingin sa main door ng cafeteria. Three a**hole coming.

Umupo nalang ulit ako. Kinapa ko ang phone ko sa aking pink skirt pero wala akong makapa. Siguro naiwanan ko sa bahay. Psh! Kung kelan kaylangan. Aish! Bwisit!

Napairap nalang ako. Tuloy pa din sa bangayan yung dalawa habang papalit-palit lang ang tingin ni Heaven sa kanila. Siguro kapag nakita nila ang mga ito, isa din sila sa mga tumitili at sumisigaw. Buti nalang wala akong gusto sa isa sa mga yan kundi isa din ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa mga hindi kagwapuhang lalaking katulad nila.

Tumingin ako sa kaliwa ko. Ang nasa kaliwa ko ay salamin. Glass window kumbaga. Nakakita ako ng dalawang familiar na figure at nakita ko si Stiphanie at Rochelle na kakadating lang at naglalakad papunta sa room namin.

Tumayo na ako at tsaka naman nagsalita si Elena, "Oh, Hailey? Andyan ka pala. Sorry hindi ka namin napansin. Hahahahah!" sabi ni Elena sabay tawa. Ang bruhang napakahilig tumawa. HAHAHHA!

"K." I replied. Dali-dali akong lumabas ng cafeteria. Dahil sa sobrang daming nagkukumpulan na mga 'panget' dito, hindi ako makalabas. Ano ba yan! Sampolan ko kaya ang mga 'to. Aish!

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon