Chapter 1

1.1K 25 0
                                    

Hailey's POV

     "Ateeeeee! Gumising kanaaaa! Kakain naaaaa!" sigaw ko sa tapat ng pintuan ni Ate. Maaga kasi akong nagising. 8:00 pa naman ang pasok ko pero si Ate 7:30 lang yata.

Sa pagsigaw ko, wala man lang respond. Di ba niya alam na dahil sa kanya sira na agad araw ko?! Sana man lang na-inform siya. Psh!

Bumaba na ako at tsaka dumiretso na ulit sa kusina. Naamoy ko naman agad ang tuna at cornbeef made by one and only, Mama. Kaya mahal na mahal ko si Mama weh!

"Anak, kain na" nakangiting pabungad agad sakin ni Mama. Pinaupo niya ako sa upuan at tsaka kinuha ng plato, kutsara at tinidor. Tsaka niya tinanggal ang takip ng ulam para makakuha ako.

Sinunggaban ko kaagad ang cornbeef kahit wala pa akong kanin. Yan yung gawain ko eh. Angal?!

Binigyan na ako ni Mama ng kanin at tsaka siya lumabas sa kusina. Siguro pinaandar niya yung T.V. kase narinig ko yung boses ni Mang Tani eh. Siguro IAmReady na.

Pagkatapos kong kumain, nilagay ko na sa sink ang pinagkainan at tsaka ito binanlawan. Kumuha ako ng baso at kumuha din ng malamig na tubig sa ref. Kahit ang lamig ng panahon, malamig pa din ang gusto ko.

Nakainom na ako't lahat-lahat, wala pa ding bumababang 'Hanny Athria' dito. Ano na kaya nangyare don? Kinain naba ng kama? HAHAHAHHA.

Nagpaalam na ako kay Mama na pupunta sa taas para maligo. Pagkaakyat ko, dumiretso na ako sa kwarto ko. Hindi na ako nag-abalang katukin si Ate kasi I'm sure deadma lang sakin yun. Hayaan mong magalit sa kanya si Mama. Hahhahahaha.

Bago ako pumasok sa banyo, tinignan ko muna ang wall clock ko. 6:43 na pala, malapit nang mag 7:00. Pero bakit hindi pa din ginigising ni Mama si Ate?

Hindi na ako namroblema tungkol dun kay Ate, siya naman yung mapapagalitan nang Prof. niya. Magkaiba kasi kami ng school na pinasukan pero pareho lang kaming highschool. First year ako at fourth year naman siya.

Pumasok na ako sa banyo at tsaka naligo. Pagkatapos, nagtoothbrush na din muna ako bago magbihis.  Pagkabihis, kinuha ko lang yung gamit ko at tsaka lumabas na ng kwarto. Nilock ko na din yung kwarto ko at baka may makapasok pang siraulo. Hahahhahahaha.

Bago ako makababa, narinig ko ang pagbukas ng pintuan ni Ate. Lumingon ako at nakita ko siya na pupungas-pungas pa habang isinasarado ang pinto. Nakasuot siya ng malambot na t-shirt at pajama na may tatak na Barbie. Psh! Barbie lover.

Tinawag ko siya, "Ate, kanina pa ako nakakain. Wala ka bang pasok?" tanong ko nang may mahinahong boses. Baka mamaya eh magsungit na naman to ke aga-aga galit agad sakin. Nag-c-care din naman ako sa feelings niya sakin. Syempre, gugustuhin mo bang magalit sayo ang natatanging tao na nahihingan mo ng pera kapag kuripot ka? Tumutulong sayo sa assignment mo kapag tinatamad ka? Diba hindi? Ganon lang yung nararamdaman ko.

Lumapit siya sakin ng malapit na malapit at tsaka nagsalita, "Wala". At tsaka siya naunang bumaba sakin. Nagtanong lang naman ako, galit agad? Meron siguro yon.

Teka nga, wala silang pasok? Ang unfair naman! Highschool din naman kami ah! Napaka dayaaa! Huhuhuhu!

Bumaba na ako sa hagdan ng nakabusangot ang mukha. Nakita ko si Mama na nakahiga sa sofa habang nag-f-facebook. Feeling ko tuloy mas millenial pa si Mama kesa sakin. Laging nakafacebook eh. Hahahhahaa.

Lumapit ako kay Mama at saka naupo sa single sofa. "Ma, tinatamad akong pumasok" sabi ko kay Mama with my nakabusangot face. Understanding si Mama, kapag sinabi kong masakit ulo ko, pagpapahingahin niya ako. Lalo na kung si Daddy ay nandito, kukunsintihin pa ako non. Hahahhahaha.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon