Chapter 8

272 9 0
                                    

Inah's POV

       Natapos ang pagdidiscuss ng prof. namin. Grabe! Muntik na akong ma-tegi don ah? Charot. Hahahahah!

Nasa loob pa din kami ng room at parang walang balak umalis. Yung bruha kasing Timber na to eh, napaka-bitter. Yan tuloy, wala sa mood si Jihro. Psh!

Tatayo na sana ako ng biglang hinila ni Jihro ang braso ko kaya napaupo ako, "Ano ba?! Lalabas ako!" sabi ko sa kanya.

"Hintayin mo ako dito. Punta lang ako sa restroom." tsaka siya tumayo at isinukbit ang bag niya. Wao! Ngayon ko lang napansin na Hawk pala yung tatak nung bag niya. Mayaman! Hahahhaha!

Pagkaalis niya, tumayo naman ang bruhang Timber. Lumapit sa akin at tsaka ako dinuro, "Hoy babaeng kontrabida! Wag mo ngang masira-sira ang image ko. At sa harap pa mismo ni Jihro ah?!" pagsasalita niya habang dinuduro-duro ako.

Tinanggal ko ang daliri niya sa harap ng mukha ko, "At sino ang nagsabi sayong pwede mo akong duru-duruin nalang basta-basta? Porket hindi ka gusto ni Jihro ganyan kana? Ganyan kadesperada na mahalin niya? At tsaka teka nga! Kelan ka pa pinahintulutan na tawagin siyang Jihro?! Ha?! Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya niyan!!" wika ko.

"Masyado ka naman yatang matapang." nakangisi niyang sambit. "Alam kong magugustuhan din ako ni Jihro. Not now, but soon. Tsaka bakit nag-i-iskandalo ka sa simpleng pagtawag kong Jihro sa kanya? Bakit, sinabi ba niya na ikaw lang ang may karapatan na magsabi ng pangalan niyang yon?Girlfriend ka ba? O desperada ka din na magustuhan ka niya? Kaya siguro lapit ka ng lapit kay Jihro eh, para magustuhan ka din niya. Tsk! Tsk!"

Aba! Wala akong gusto dun!! "FYI, wala akong gusto kay Jihro. Tsaka kung magkakagusto man ako, hindi ganyang kadesperadang tulad mo. Kung talagang may gusto ka kay Jihro, ade sabihin mo sa kanya sa personal. Hindi yung kinikimkim mo lang sa sarili mo. Malay mo, gusto ka din niya. Wag kang mag-assume, gawin mo. Itanong mo. Hindi yung wala kang ginagawa para sa ikaliligaya ng sarili mo."

"Oh? Kampi kana sakin ngayon? Aba! Ano naman sayo kung kinikimkim ko? Wala ka na don! Tsaka alam kong assumera ako, wag mo nang ipamukha."

"Hindi ko ipinapa--"

Natigil ang pagsasalita ko nang biglang pumasok sa room si Jihro. Hindi ko namalayan na nasa loob pa pala kami ng room at ngayon, halos lahat ng kaklase namin ay nakatingin na sa amin. Oh My Gosh!

"Kunin mo ang bag mo." bulong sa akin ni Jihro. Natakot ako sa seryosong boses niya kaya agad-agad kong hinila ang bag ko at tsaka ako hinila ni Jihro sa aking braso.

Timber's POV

       Pagkatapos hilahin ni TJ si Inah, nagsimula na ang bulungan sa loob ng classroom namin.

"May gusto si Timber kay TJ?"

"Grabe. Desperada daw siya na magustuhan ni TJ. "

"Oo nga. Akala ko pa naman kaibigan talaga ni poging TJ. Tsk! Tsk!"

At iba pa. Hindi ko na pinatagal ang bulungang iyon at saka sila tinignan lahat, "Ano? Tapos na yung palabas. Tatayo nalang ba kayo dyan? Tsk!" tsaka ako tumayo at dinala ang bag ko.

Padabog akong bumaba sa may hagdanan at dumiretso sa cafeteria. Hindi ko na nakasalubong sina Inah at TJ. TJ naman talaga ang tawag ko sa kanya, iniinis ko lang si Inah. Alam ko namang wala siyang gusto kay TJ, talagang pinapangalagaan niya lang ang pagtawag niya na Jihro kay TJ.

Pagkadating ko sa cafeteria, nakasalubong ko na papalabas sila Penelope, kasama sina Trina at Alteria. Nung nagkalapit kami, binati ako ni Penelope, "Hello Timber! Did you eat na?" nakangiti niyang tanong sa akin. Umiling na lang ako sa kanya. Hindi naman kami ganong ka-close kaya iling na lang ang isinagot ko. Baka mamaya sabihin pa nang iba napaka-FC ko.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon