Chapter 34

93 11 0
                                    

Niana's POV

     Dinala ako ni Cayle sa may parking lot. Nagulat talaga ako kanina nung inilahad niya ang kamay niya. Pero baka sabihin nung iba napaka-choosy ko naman haha. Kaya humawak na ako sa kamay niya.

Nagpaalam naman si Cayle dun sa guard namin na si Kuya Lino. Nabigla nga si Kuya Lino. Siguro ngayon lang nagpaalam si Cayle sa kanya. Haha!

*bell rangs*

Oo, kahit nasa labas kami, rinig pa din namin yung tunog nung bell sa loob ng school namin.

Makapagpaalam na nga kay Cayle.

Nandito kasi kami sa may ilalim nang puno na malapit lang sa parking nung kotse nilang magbabarkada. Kumakain kami ng chips habang nakatingin sa mga dumadaang sasakyan.

"Ah Cayle, anong oras ba tayo papasok sa loob? Nag-ring na kasi yung bell, baka mamaya mapa-faculty pa ako dahil hindi ako nakaattend ng flag ceremony. Tsaka ikaw rin."

Tumingin siya sa akin at saka ngumiti.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako sa ginawa niyang yun. Feeling ko nga nag-blush ako eh.

Cayle: "Hindi na kaylangan, pinagpaalam na kita sa faculty president. Nag-agree naman sila sa sinabi ko."

Ah.

Teka nga, bakit naman papayagan ng isang faculty president ang isang normal na estudyante na lumabas ng school gayong may klase pa? Unfair naman siguro kung papayagan niya ng dahil lang sa sikat ito sa school.

Siguro may ibang sinabi si Cayle kaya siya pinayagan. Alam mo naman ito, mautak.

"Bakit naman sila mag-a-agree? Ano bang sinabi mo?"

Cayle: "U-uhmm....ano....kase"

This time, ako na ang humawak sa kamay niya. Bakit hindi na ako naiilang?

Siya naman ang nagulat sa ginawa ko.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Anong sinabi mo para payagan ka nila?"

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

Cayle: "Sinabi kong may iniutos sa akin si Mrs. Deogracias." sabay kamot sa ulo niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit of all people, si Mrs. Deogracias pa?"

Cayle: "Siya kasi ang pinakaterror na prof dito sa school, na kahit na sinong teachers ay hindi magawang kausapin siya. Ni kamustahin man lang."

"Ah. Pero bakit ka nagsinungaling sa kanila?"

Cayle: "Kasi Niana, may aaminin talaga ako sayo."

"Ano yun?"

Cayle: "May gus--"

Naputol ang sinasabi niya nung biglang dumating si Kuya Lino.

Kuya Lino: "Mga anak, magsipasok na kayo. Nag-ring na yung bell."

"Sige po Kuya Lino."

Tumango lang si Cayle sa kanya at saka umalis na si Kuya Lino.

Bago ako tumayo, nagtanong muna ako sa kanya.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo?"

Cayle: "Hindi, sige na. Baka matapos na yung flag ceremony."

Tumayo na siya at saka kinuha ang bag niya.

Tumayo na din ako at saka pinagpagan ang pwetan ko. Kinuha ko na din ang bag ko at saka isinukbit ito.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon