Chapter 25

118 9 0
                                    

Pollo's POV

         "Bro, ang tapang talaga nung Hailey na yon, no?" sabi ko sa kanila.
Nakatambay kasi kaming lahat dito sa secret playground na tinatambayan ni Eugo dati ng mag-isa. Hindi naman na kami matatakot kapag napagsaraduhan kami ng gate dito dahil may shortcut naman kaming alam.

"Oo nga. Parang ang hirap maging girlfriend non." sabi naman ni Cayle. Aba! May balak pa yata ang luko HAHAHAH.

"At bakit? May balak ka hano?!" pang-aasar ko kay Cayle.

"Wala no. Kay Niana na ang puso koo!"

Oo, si Niana na ang gusto niya. Simula nung nakita niya daw sa garden itong si Niana, para daw nagustuhan niya daw ito. Alam naming may gusto si Niana kay Cayle dahil halatang-halata naman, lalo na dun sa ikinwento ni Cayle na para daw nagalit si Niana nung tinulungan niya daw si Heaven tumayo nung nagkabanggaan silang dalawa. Hindi pa din naman namin na-s-sure na may gusto talaga sa kanya si Niana. Mas gusto niya daw na mismong sabihin sa kanya ni Niana.

"Hulog na hulog ka naman sa Niana moo!" pagsabat naman ni CJ.

"Ano naman sayo? Baka nga ikaw, dun sa Elena mo!" sabi naman ni Cayle.

"So?"

Ayan, pati din si CJ nagkakagusto na dun sa Elena, yung kabarkada nung kapatid ni Ate Shailla. Ilang linggo na ding hindi nababanggit sa kanya yung tungkol kay Ate Shailla kaya siguro nakakalimot na.

"Magsikain na nga lang kayoo! Napaka-iingay niyo eh!" inis namang sabi ni TJ kila Cayle.

At tumigil nga ang dalawa at nagbukas nalang ng chichirya. Hahaha! Lagot kayo ngayon.

"Hoy Eugo! Bat ba nakatulala ka dyan?!" sabi ni TJ kay Eugo. Nasa isang sulok lang kasi si Eugo at napakatahimik niya, lagi naman.

"Wala lang to."  at tsaka siya tumingin sa amin ng may nakangiting mukha. Nako! Alam naa!

"Anong wala lang? Eh bat ka nakangiti? Naiisip mo na naman siguro yung tingin sayo ni Heaven kanina hano?" sabi ni Cayle kay Eugo.

Hindi na affected si Cayle kapag nababanggit yung pangalan ni Heaven. Halata naman kasi siya pa yung nambara ngayon kay Eugo. HAHAHAH. Si CJ din. Hindi na din siya naaapektuhan kay Heaven kahit na kapatid pa ito nung ex-crush niya.

"Siguro." sabi naman ni Eugo. Pumapag-ibig na yung pinsan ko.

"Palitan na nga natin yung topic, mga bro." pagsabat ko, "By the way, sasali ba tayo sa basketball tournament?" tanong ko sa kanila.

Lumingon sa akin si CJ, "Syempre naman, kahit sure win na tayo." sabi niya. Kahit saang lugar pa kami ilaban, basta magkaka-team kaming lima, sure panalo na talaga.

"Oo. Walang pupunta sa tournament na yon kung wala tayo don." sabi naman ni Cayle. Si Boy Mahangin!

"At wala din akong maipagmamayabang dun sa babae na yon." sabay ngisi naman ni TJ.

"Nahulog ka na ba sa pinsan ko, bro?" tanong ni CJ kay TJ.

"Ano ba namang tanong yan! Syempre hindi! Napakabungangera nung babae na yon. Hindi siya bagay sa akin."

"Tinatanong ko lang."

4:00 pm.

Nauna na ako sa kanila sa parking lot. Dadaan pa daw si TJ sa library para manghiram ng aklat. Si Eugo naman, sabihin ko daw sa Mama niya na late siyang makakauwi dahil tatambay muna daw siya sa library hanggang magsarado ito. Si Cayle, hahanapin daw si Coach Edward para itanong kung kelan yung tournament at si CJ naman, hihintayin pa daw si Hailey para daw maisabay na niya.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon