TJ's POV
"Mga broooo!!!"
Sigaw ni Cayle habang papalapit sa amin. Makikita mong may ngiti sa kanyang mga labi. Ano na naman kaya ang nangyari?
"Mga bro may ikukwento ako sa inyooo!!" masayang paglapit niya sa amin. Kasabay ng paglapit niya ay ang pagyakap niya sa amin ng mahigpit.
"Kalas na nga bro! Ang sikip sikip!" pagrereklamo ko.
Tinanggal naman niya ang pagkakayakap niya sa amin pero hindi pa din nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Lalo pa itong lumalawak.
"Oh? Ano na yung ikukwento mo?" tanong sa kanya ni Eugo.
Ngumiti muna ito ng pagkakalawak bago sumagot, "Magsiupo muna kayo." tsaka niya kami tinulak pabalik sa bench.
Pagkaupo namin, nasa harapan lang namin si Cayle, nakatayo. Parang siya yung coach na magtuturo sa amin magbasketball.
"Eto na nga. Diba sabi ko sa inyo kanina, may gagawin ako kaya hindi ako makakasama sa practice niyo."
"Teka, ininform mo silang lahat?! Bakit ako hindi?!" pag-angal naman ni Pollo.
"Eh ayoko e. Anong magagawa mo?" pang-iinis naman ni Cayle. Mag-aaway pa yata.
"Argh! Tuloy mo na nga yang kwento mo!"
"Eto na talaga. Ang ginawa ko kanina ay nagturo ng volleyball sa babaeng mahal ko." tsaka ulit siya ngumiti ng malawak.
"Volleyball? Saan? E diba badminton yung may practice kaninang umaga?" tanong naman ni CJ
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Nakita ko kanina si Elena, hinatid niya si Hailey sa bahay nila."
"Sandali! Ako nagkukwento dito eh!" pagsingit naman ni Cayle.
"O sige ikaw na nga." sabi naman ni CJ.
"Etong-eto na talaga. Wala kasing sisingit!"
"OPO!" sabay na sabi ni CJ at ni Pollo. Parehas lang kaming tahimik ni Eugo.
"Eto na. Ade ayun nga, yung tinutukoy ko ay si Niana. Kahapon, naghihintay siya sa shed kaya tinanong ko kung gusto niyang sumabay, hindi naman siya umangal nung hinila ko siya papasok sa kotse. Tapos ayon hanggang ihatid ko siya sa bahay nila. Nung nasa kotse kami, tinanong ko sa kanya kung may sinalihan siya dun sa mga laro na nakapaskil sa bulletin board, sabi niya wala daw siyang alam na laro--"
Sumingit si Eugo, "Kahit piko? Patintero?"
"Ayun nga yung sinagot niya sa akin eh! Tapos sabi ko tuturuan kako kitang mag-volleyball since sanay naman ako nun. Para na din madagdagan yung extra curricular activity points niya. Tapos sabi ko ipagpapaalam ko na din siya sa Mama niya. Ayon sakto namang si Francia yung ate niya--"
Sumingit naman si CJ, "Si Francia? Yung tagahanga mo sa St. Peter?"
"Oo, siya nga. Nung wala pa yung Mama niya sa bahay--"
"Kayong dalawa lang?" pag-uusisa naman ni Pollo.
"Vovo ka ba? Nandun nga yung Ate Francia niya eh."
"Ah okay. Sige tuloy mo na." tapos sumeryoso ulit si Pollo. Parang interesado sa kinukwento ni Cayle. HAHAHAHHAHAHA
"Ayun nga, tinanong nung Ate niya kung ano yung ginagawa ko dun. Sasabihin dapat ni Niana na inihatid ko lang siya kaso nakaisip ako ng pang-t-trip. Sinabi ko na liligawan ko si Niana kaya ako nandun. Pabor naman yun kay Francia kasi ang gusto lang naman nun, katanyagan. Psh! Tapos ayun dumating yung Nanay nila--"
BINABASA MO ANG
Can You Be My Lover? (COMPLETED)
Teen FictionSubaybayan natin ang bawat chapter ng kwento nina Hailey, Heaven, Eisha, Elena at Niana. Please vote, comment, and share it to your prends! Luv uu Lovelove, @iam_hazzy