Chapter 39

96 7 0
                                    

Niana's POV

       Hmmmmmm. Isang panibagong araw na naman para sa aking magandang nilalang. HAHAHHAHA charot

Martes na ngayon.

Dahil nga sabi ni Mrs. Oldi, my soon to be Tita Oldi HAHAHAHH anlande HAHAHHAH, pwede naman daw hindi mag-stay sa school if gusto namin.

Pero mag-i-stay ako. Kelangan kong suportahan ang bebe Cayle ko we HIHIHIHI!

Naligo lang ako at saka nag-uniform na.

Pagkatapos, dinala ko na ang bag ko at saka dumiretso sa baba.

"Maaa, I'm readyyy!"

Ngiting salubong ko pa. Binack-hug ko din si Mama.

Mama: "Ang sweet-sweet naman ng anak ko. O siya, maupo kana. Ipaghahanda lang kita ng almusal mo." sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
"Sige po!"

Umupo na ako.

Maya-maya lang, dumating na ang masarap na almusal ko, hotdog at bacon. Hmmm!

Umupo si Mama sa harap ko samantalang sinimulan ko na ang paglantak sa pagkain ko. Ang sarap talaga!

Habang kumakain ako, biglang nagsalita si Mama.

Mama: "Anak, diba nung isang araw may pumunta ditong lalake? Diba sabi niya manliligaw daw siya sayo?"

"Opo Ma, bakit po?"

Mama: "Bakit hanggang ngayon parang wala pa siyang paramdam? Gusto kong makatikim ng chocolates mula sa kanya. Tsaka yung mga roses, hinihintay ko yon para ipanlagay sa vase ko. Nilinis ko pa nga yung vase oh?" sabay turo niya sa vase na nakalagay sa gilid ng lababo.

Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Mama. Minsan talaga, nagiging isip-bata siya.

Itinigil ko ang pagkain at saka uminom ng tubig. Tsaka ko hinawakan ang kamay ni Mama.

"Ma, kung gusto mo, bilhan nalang kita ng chocolates. Gusto mo yung marami pa eh. Tsaka yung mga roses, ako na ding bahala. Madadaanan naman pag-uwi ko yung flower shop so makakabili ako. Ano Ma?" nakangiting sambit ko pa.

Mama: "Anak, iba pa rin yung galing sa manliligaw mo."

"Eh Ma, hindi ko naman po sure kung nanliligaw po siya eh."

Nagulat si Mama sa sinabi ko.

Mama: "Anong hindi sure? Eh diba nagpaalam na nga siya sa akin na manliligaw na siya?"

"Ma, gusto lang po akong pag-tripan ni Cayle nung mga times na yon. Fan po kasi ni Cayle si Ate so nilubus-lubos niya na po."

Tumayo si Mama at saka sumandal sa may sink.

Mama: "Aba eh hindi ubra yung mga pa-ganyan ganyan. Kung nanghingi siya ng permiso, dapat ituloy niya. Ade ibig sabihin pala non, wala din siyang nararamdaman para sayo?"

Biglang sumulpot si Ate.

Ate: "Ma, may ipapakita ako sayo!" tatalon-talon pang wika nito habang papalapit kay Mama.

Mama: "Nako Francia, tigil-tigilan mo nga muna ako--"

Ate: "Ma, maganda ito! Tungkol ito dun sa manliligaw ni Niana. Tingnan niyo po!"

Nakakunot noong tiningnan ni Mama ang ipinapakita ni Ate.

Manliligaw ko?! Sino? Si Cayle? Ano yun?

Dahil sa sobrang curious ko, lumapit na din ako at saka naupo sa may sink para lang makita yung pinapanood nila.

O_O

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon