Chapter 30

122 10 1
                                    

Eisha's POV

      Kakaalis lang namin ni Hailey. Actually, mabilis talaga kaming umalis HAHAHHA. Wala kasi kaming dalang pera ni Hailey, hindi naman namin alam na dun pala kami dadalin ni Heaven.

Hailey- "Oy baka magalit yun HAHHAHA. Sama sama natin"

"HAHAHAH wala siyang magagawa. Nakaalis na tayo eh. Tsaka andun naman si Niana, maghati nalang sila sa bill hahahahah!"

Hailey- "Sabagay. Correct ka dyan HAHAHAH!"

Tsaka kami sabay na tumawa. Malapit na kami sa bahay ko. Malayo-layo pa kasi yung kila Hailey samin, kaya mas kaunti lang ang babayaran kong pamasahe kesa kay Hailey. HAHAHAH advantage nang malapit lang ang bahay.

Pagdating sa tapat ng bahay namin, bumaba na ako at saka nagbayad ng pamasahe. Nag-bye lang ako kay Hailey at saka pumasok na sa loob.

Pagkapasok ko, nagulat ako.

Mama- "Oh nandito na pala si Eisha eh. Eisha, c-classmate mo daw."

Tumayo si Mama at saka lumapit sa akin. Siya na ang humalik sa pisngi ko. Tumayo din naman siya at saka lumapit sa akin.

Pollo- "Hi"

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Niyakap lang niya ako at saka nakangiting nakatayo sa harapan ko. Hindi pa din nawawala ang pagkagulat sa mukha ko.

Mama- "O siya, maiwan ko na muna kayo. Eisha, ikaw na muna ang bahala sa kanya ha? Maghahanda lang ako ng merienda niyo."

At tsaka pumunta na si Mama sa kusina. Pinilit kong hindi ipakita ang pagkagulat sa mukha ko. Lumakad ako.

"Tara, maupo ka na." tsaka ako naupo sa single sofa. Ayoko ngang katabi siya, naiilang ako eh.

Pagkaupo niya, kinuha niya ang flowers sa table.

Pollo- "Flowers for you."

Inabot ko ang bulaklak, "Thankyou" saad ko. Ibinaba ko lang ulit ang bulaklak sa may table, "Bakit ka nga pala nandito? Tsaka pano mo nalaman yung bahay namin?" tanong ko sa kaniya.

Pollo- "Nakita ko lang yung mga previews photo mo at parang pamilyar sa akin yung lugar. Hindi naman ako nagkamali nung pinuntahan ko, kase nakita ko agad yung tarpaulin mo sa labas haha. And, pumunta ako dito para sana yayain kang mag-date."

Tama haha. May tarpaulin ko nga sa labas, actually nung 7th birthday ko pa yun haha. Pero nagulat ako sa sinabi niya.  Date? Agad-agad? O.M.G.

Pollo- "I mean, friendly date. Hindi kasi natuloy yung pagkikita natin kahapon, diba?"

Wews! Akala ko pa naman date na. Sayang HAHAHHA.

"Sige. Pero, papaalam muna ako--"

Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

Pollo- "No need. Bago ka pa dumating, pinagpaalam na kita. Pumayag naman ang Mama mo kasi mukha naman daw mapagkakatiwalaan ako. Haha."

Always kong naririnig ang pagtawa ni Pollo pero mas masarap pala sa feeling na sa harap mo mismo siya tumatawa, yung kayong dalawa lang ang nag-uusap. Parang feeling ko tuloy ako yung nagpapasaya sa kanya. HAHHAHAHA.

"Ah haha. Gaano ba kaimportante yung pagkikita natin dapat kahapon? Pasensya nga pala, hindi ko naalala." sabay kamot ko pa sa ulo ko.

Promise, hindi ko talaga naalala. First time kong nakalimot nang tungkol kay Pollo, at yung friendly date kuno namin pa talaga. Aish!

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon