It's time for TJ's barkadahan's POV. HAHAHAHAHH! Enjoyy!
-A/N💜
Eugo's POV
Lunch break.
Kaninang break time ko pa binabasa ang book na ito. Pinahiram kasi sa akin ito ni Aldeir. 'Journey to the Center of the Earth' ang title ng story na ito. I'm not sure kung is it a story or a history. Ah basta!
Ngayong lunch, dumiretso lang ako sa lagi kong tambayan, sa play ground. Bukod sa hindi masyadong maingay, masarap pa yung ambiance ng place na ito.
Yes, hindi siya masyadong maingay. Yung play ground kasi na ito ay naka pwesto sa liblib na place, which is kapag nagdire-diretso ka pa, nasa gubat ka na. Hinarangan lang siguro nila ito ng fence para hindi masyadong nakakatakot. Ako lang ang nakakaalam ng lugar na ito. Hindi din naman kasi maghahanap ng ibang play ground na pagtatambayan ang ibang mga estudyante dahil mayroong public play ground na open for all. Natatakpan din kasi ito ng makakapal na damo kaya hindi masyadong pansin.
Sa pagbabasa ko, biglang may kumaluskos. Nung una, hindi ko ito pinansin. Pero nung nagsunod-sunod na ang pagsabi ng 'Aray', doon na ako nagtaka. Tumayo ako at panandaliang ibinaba ang librong yon. Pumunta ako sa pinanggagalingan ng kaluskos at doon ko nakita ang isang babae. Hindi ko pa ganong nakikita ang mukha niya dahil parang may hinahanap siya sa labas ng mga nagkakapalang mga damo. Nakatuntong siya sa isang box na palagay ko eh walang laman.
Nung hindi niya pa rin ako napapansin, nagtanong na ako, "Miss, may hinahanap ka ba dyan?" tanong ko sa kanya. Nagulat siya sa presensya ko kaya nawalan siya ng balanse sa tinutuntungan niyang kahon na may laman palang bato sa loob. Hahahhaha.
Nasalo ko naman siya. Ilang beses kaming nagtitigan ng biglang may narinig kaming mga boses.
"Bro, sure ka bang nandito si Eugo?"
"Oo. Nakita ko siya kaninang papunta dito eh."
"Bakit ba kasi hiwa-hiwalay tay--"
Hindi na niya pinatapos ang mga nagsasalita at dali-dali siyang tumayo. "A-ah, sige. Una na ko. T-thankyou pala" sabay kuha nang bag niya sa lupa at saka siya lumusot sa mga damo. "Bye" bulong ko nalang sa sarili ko. Napangiti ako sa pangyayaring iyon.
Paglabas ko sa mga damong kaninang pinagtataguan ni Heaven, sumulpot ang dalawa kong kabarkada habang may dalang tig-isang lunchbox. This is their first time to brought lunchbox.
"Sabi sayo bro eh nandito siya eh" sabi ni CJ kay Pollo.
Hindi ko sila pinansin. Sa halip, dumiretso ako sa inuupuan ko kanina at saka nagbasa ulit.
"Broo!" pagtawag sa akin ni Pollo nun, tinaas ko lang ang kamay ko at saka sila nakipag-apir. Umupo sila sa tabi ko at saka ibinaba ang mga lunchbox. Ako naman, inilagay ko na sa bag ko ang librong binabasa ko.
"May sikretong ground pala sa school, hano?" namamanghang tanong ni CJ habang iniikot ang mata sa paligid.
"Oo nga. Ngayon ko lang nalaman ito. Ikaw Eugo, kelan ka pa tumatambay dito?" -Pollo.
"Noong nakaraang school year, doon ko nadiskubre ang lugar na ito. Umiikot-ikot kasi ako at hindi ko namalayang nasa isang lugar na pala ako. Akala ko nasa labas na ako ng school, pero nagkamali ako." pagkukwento ko. Tinignan ko ang mga lunchbox nila at saka kinuha ang isa, "Ano ba ang mga dala niyong pagkain? Nagugutom na ako." tanong ko sa kanila at saka pinagbubuklat ang mga dala.
"Puro chichirya lang yan. Hindi naman kasi kami prepared. HAHAHAH!. " -CJ
"Hindi pa kayo prepared sa lagay na yan? Eh dalawa ngang lunchbox ang dala niyo. Sigurado na ako na siniguro niyo na baka magutom kayo sa kakasunod sa akin. Haha."
BINABASA MO ANG
Can You Be My Lover? (COMPLETED)
Novela JuvenilSubaybayan natin ang bawat chapter ng kwento nina Hailey, Heaven, Eisha, Elena at Niana. Please vote, comment, and share it to your prends! Luv uu Lovelove, @iam_hazzy