Chapter 37

94 7 0
                                    

Elena's POV

       Hapon na ngayon. Mamayang madaling-araw uuwi na kami.

Dun sa swimming kanina, wala namang nangyari. Magkasama lang kami, tapos hinatid niya pa ako sa tinutuluyan namin. Ih! Kinikilig akoo!

"Elenaaa ano ba! Kakain na tayoo!" sigaw sa akin ni Mama.

Ano ba yan! Inaalala ko pa yung mga nangyari kanina eh.

"Oo na poo! Andyan naaa!"

Tumayo na ako at saka dumiretso sa dining room.

Pagdating doon, nagliwanag kaagad ang mga mata ko nung nakita ko ang mga bacon.

"Hep! Wag ka munang kakain. May hinihintay pa tayong bisita."

Kumunot ang noo ko.

"Ano ba yan! Kahit isa hindi pwedeng kumuha?!" pagmamaktol ko pa.

Gutom na talaga akooo!

"Bawal nga kapatid!" sabi ni kuya.

"Sino ba kasi yang bisita na yan?! Kakainis naman o!" bulong ko pa sa sarili ko.

Umupo nalang ako at saka nag-crossed arms. Anong oras kaya dadating yung bisita na yon? Bilisan niya/nila, baka pagdating nila masampal ko sila. Hmp!

Maya-maya pa, biglang may nag-door bell. Wao! May doorbell pala itong tinutuluyan namin. Hindi ko napansin yun ah!

Tumakbo si Mama at saka pinagbuksan ang mga bisita daw namin. Halos lahat sila pumunta dun. Ako, wala ako sa mood. Bahala sila dyan. Dumukdok nalang ako.

Umupo ang mga bisita. Wala, narinig ko lang.

"O? Bakit nakadukdok si ganda?"

Ih! Ganda daw! Teka nga, sino ba yung tumawag sa akin nun?

Itinaas ko ang ulo ko at nagulat ako sa nakita ko. Nandito si Lola Cecilia?! Kasama ang pamilya niya?!

Lumawak ang ngiti ko dahil sa nakita ko. Tumayo ako at saka lumapit kay Lola Cecilia.

"Mano po."

"Kaawaan ka ng Diyos."

Umupo na din ako pagkatapos.

Teka nga! Bakit parang wala si CJ?

Speaking of him, dumating na nga siya. Umupo siya sa tabi ko. Tiningnan ko siya, mukhang kakagising niya lang ah?

Nagsimula na kaming kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, biglang nagsalita si CJ.

"Lola, labas muna ako."

Nagulat naman si Lola Cecilia sa sinabi ni CJ pero ngumiti din naman ito.

"Sige apo. Bumalik ka dito ah?"

"Opo"

Tumayo na siya. Pero bago pa siya makaalis, hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinila. Wala namang nakapansin non kase lahat sila may sari-sariling mundo na.

"Huy teka! Saan kaba pupunta? Bakit kelangan kasama pa ako?" takang tanong ko sa kanya.

Seryoso ang aura niya.

"Basta. Sumama ka nalang."

"Hu! Ayoko--"

"Sasama ka ng kusa o gusto mo pang buhatin pa kita para lang sumama ka?"

May nag-form na smirk sa mga labi niya.

Alam ko namang kapag sinabi niya, talagang gagawin niya.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon