Chapter 31

94 9 0
                                    

Elena's POV

       Sunday na ngayon. Nakagayak na kami sa pag-s-swimming namin. Bago daw mag-swimming, pupunta daw muna kami sa resto nitong resort para daw i-meet yung mga amiga ni Lola.

Oo, ngayon pa lang namin i-mi-meet. Kahapon kasi, may inasikaso pa daw silang mga papeles na pipirmahan sa company nila, kwento sa amin ni Lola. Hindi naman ako masyadong nakapag-enjoy kahapon kase masyadong madaming tao sa pool. Aish!

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon. Malapit lang naman daw yung resto dito kaya makakaya na namin kahit lakarin.

Nakarating na kami sa resto. Hindi ko mabasa yung name nito kasi parang French yata. Pumasok na kami.

Pagkapasok namin, wala pa namang masyadong tao. Umupo lang kami sa pangmahabaang table at pumwesto kami sa isang row. Ganito yung pwesto namin,

Driver-Kuya-Edsyl-Lola-Mama-Ako

Maya-maya lang, dumating na din yung waiter. Umorder lang si Lola ng dalawang bucket ng chicken tsaka kanin. Pati desserts umorder na din siya.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, biglang tumayo si Lola. Hindi ko naman siya pinansin at diretso lang ang pagkain ko.

Lola: "Ceciliaa!" rinig ko pang tawag ni Lola. Sure naman akong isa yun sa mga amiga niya.

Her amiga: "Amellaa!" sagot naman nung babae.

Ilang saglit pa, tumayo si Mama. Pero ilang minuto din, tinapik ako ni Mama.

Ano ba yan! Kumakain akong manok dito eh!

Tumingin ako kay Mama.

"Ma! Kumakain ako dito--"

Mama: "Tumigil ka na muna! Nandiyan na yung amiga nang Lola mo, i-welcome muna natin." pabulong pang sabi ni Mama.

Istorbo naman kasi yung amiga ni Lola na yan! Sarap sarap ng kain ko dito eh! Psh!

Ibinaba ko ang hawak kong manok at saka padabog na tumayo. Inayos ko muna ang damit ko bago ko itaas ang ulo ko.

Lola: "Amiga, ito nga pala ang asawa ng anak ko, si Amanda." pagpapakilala pa ni Lola kay Mama.

Mama: "Nice meeting you ho." tsaka lumapit si Mama at saka nagmano.

Her amiga: "Nice meeting you too, iha."

Bumalik na si Mama sa upuan niya. Sunod namang ipinakilala ni Lola kaming magkakapatid.

Lola: "Ito na ang mga apo ko. Iyan si Jirdon, yung panganay nila." sabay turo ni Lola kay Kuya, "Iyan naman si Edsyl, ang bunso" turo naman niya kay Edsyl, "At iyan naman si Elena, ang pumapangalawa." sabay turo naman niya sa akin.

Sabay sabay kaming lumapit nila Kuya dun sa amiga ni Lola at saka nagmano. Bumalik na din kami sa pwesto namin after.

Her amiga: "Ang gaganda at gagwapo naman ng mga apo mo."

Syempre naman po! Mukhang magugustuhan ko ito ah? HAHAHAHHA.

Lola: "Syempre, mana sa Lola." banat naman niya, "O siya, maupo kana muna. Baka nagutom ka sa biyahe mo."

Her amiga: "Yes amiga. Napagod nga ako. By the way, may ipapakilala nga pala ako sa inyo."

Nakangiting tumalikod yung si Lola Cecilia. Wow! Kina-career! HAHAHAH! Yaan niyo na.

May tinawag siya. Grabe. Ano to? Grand entrance? Pa-VIP eh.

Nung pumasok yung mga kasama niya, namukhaan ko na yung isa. At nagulat ako nung makita ko siya dito. OMG! Iz diz real?!

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon