Chapter 28

100 8 0
                                    

Hailey's POV

         Nasa school kami ni Elena ngayon para magkaroon ng try-out ng badminton. Marami daw kasi ang nagpalista kaya daw mamimili nalang.

Nandito kami ngayon sa may bleachers. Nasa yellow bleachers yung mga first year highschool habang nasa green naman yung mga second year. Yung mga college makakalaban pa namin yon kapag may nanalo na between sa first year at second year.

'Legendary'
'Double Kill'
'Triple Kill'
'Maniac'

"Aish! Bat bat hindi ako maka-savage?!" inis na sabi ni Elena habang nakatutok sa phone niya.

"Practice pa. Maaabot mo din yan." pag-p-push ko naman sa kanya.

"Sabi mo eh." pinagpatuloy na niya ang paglalaro.

Si Maam Presci pa lang ang nandito, hinihintay pa namin si Sir Theo. Naka-shorts at white t-shirt kami ngayon. Hindi naman yung sobrang ikling short, basta yung makakagalaw ka ng maayos.

Si Sir Theo kasi ang mamimili ng ipanlalaban, kaya kelangan nandito siya. Mauuna daw muna yung mga second year bago kami. 8:00 pa lang naman.

--10:30 am--


Kakatapos lang ng try-outs. At masaya ako dahil napili kami ni Elena. Isa kami sa makikipaglaban sa mga second year.

"Yehey! Excited na akooo!" masayang sigaw ni Elena. Palabas na kami ngayon sa gym. Balak naming dumiretso sa food court dahil nagugutom na kami.

Kung tinatanong niyo, badminton lang ang may try-out ng ganito kaaga. Mamaya pang hapon yung sa chess.

--Food Court--

Nandito na kami sa may isang table. Umiinom si Elena nang juice habang nag-w-wattpad habang umiinom naman ako ng mineral water habang nakatulala lang.

Naiwanan ko kasi yung phone ko sa bahay, kaya wala akong magawa ngayon.

*ringgggggg*

"Hello Mommy!"

[Anak, hindi pa ba tapos yung try-out mo?]

"Tapos na Mommy. Kasama ko ngayon si Hailey sa foodcourt. Bakit po?"

[Ipapasundo na kita ngayon sa Kuya mo. Isabay mo na din si Hailey kung gusto niya. Aalis tayo mamaya, urgent.]

"Saan po tayo pupunta?"

[Bataan, anak. Nandun kasi yung mga amiga nung Lola mo, so sasama daw tayo sa kanya. Uuwi din naman tayo bukas.]

"Sige po Mommy. Pinag-pack niyo na po ba ako ng mga gamit?"

[Kaya nga ipapasundo na kita para makapaghanda ka na. Baka mga 12:00 aalis na tayo.]

"Sige po."

[Sige anak. Loveyou.]

"Loveyou more."

Tsaka niya inend yung call. Humarap sa akin si Elena, "Hailey, gusto mong sumabay sa akin?"

"Saan?"

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon