Chapter 22

134 7 11
                                    

Heaven's POV

     Buti naman na-inform na si Elena tungkol sa crush niya. Ayoko naman siyang masaktan kapag nakita niya yung gusto niyang umiiyak dahil sa isang babae.

Aish! Bakit kasi napaka choosy ni Ate eh! Pero okay lang yon. At least may chance si Elena para maka-close si CJ.

Hapon na din ako nung makauwi. Dumaan pa kasi ako sa carinderia nila Ate Idanna, isa sa mga best of friends ni Ate. Malapit lang naman ang bahay niya kila Elena kaya kaya ko lang lakarin.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko lang na nanonood ng T.V. si Mama. Nagmano lang ako sa kanya at saka dumiretso na sa kusina. Masyado akong uhaw sa paulit-ulit na pagsakay at paglakad kaya tinungga ko nalang yung nasa water jug.

Pagkatapos, pumasok na ako sa makitid na pintuan kung saan kapag nakapasok kana don, nandoon yung kwarto ko at yung kwarto ni Ate. Nasa kanan yung kwarto ko habang nasa kaliwa naman yung kay Ate. Yung kila Mama naman, nasa taas. Konting space lang naman kasi ang kasya sa taas kaya silang dalawa lang ni Papa ang kasya don.

Bago ako dumiretso sa kwarto ko, dumiretso muna ako sa kwarto ni Ate. Lumapit ako sa pintuan at may nakasulat na note doon,

Note:

     Hey, hey, hey, dabarkads! WAHAHAHA wala po ako ngayon sa kwartong ito kasi, wala ako. Period. No erase. Yun na nga, wala ako dyan kase nasa bahay ako nung kaibigan ko. Pakisabi nalang kay Mama o dun sa kapatid kong PANGET kung ano kelangan niyo para kapag nakabalik na ako, masabi nila sa akin at maipahiram ko sa inyo. And I, thank youuu!

Love, love, loveee,
Shailla Merrie dyosaaa💗

Pinagdiinan pa talaga yung salitang 'PANGET'. Wow lang. Sobrang ganda niya.

Hindi na ako nag-abala pang buksan yung pintuan ng kwarto niya na always kong ginagawa kapag wala siya. Hihi. Dati kasi, nung elementary pa ako, hinahanap ko yung mga pang make-up niya. Tetestingin ko sana kaso nga lang laging palpak, lagi siyang dumadating. Madamot naman kasi siya kaya tinatakas ko nalang yung make-up.

Pagdating ko sa kwarto ko, agad kong nakita ang phone ko. Hindi na ako nagpalit ng suot at diretso hawak na sa phone ko.

Pagbukas ko, agad na bumungad sa akin ang mga messages galing sa mga friends ko,

Messages:

"Heaven, tara cafe?" -Niana

"Uy friend HAHAHH, pagala nga ako dyan. Ka-bored dine eh" -Eisha

"Heaven, may pasok ba bukas?" -Ellyn

"Uy! Ano naa?!" -Niana

"Huy! Parang ayaw ah! HAHAHHAH. Sige na nga, wag na." -Eisha.

"Sige, thank you nalang haha. Tinanong ko na kila Jeydie." -Ellyn

And many more messages, ilan lamang yan. Nireplyan ko lang sila tapos nag-online na ako.

*tok* *tok*

Ibinaba ko na muna ang phone ko sa kama at saka pinagbuksan kung sino man yung kumakatok, "Heaven, kakain na." bungad sa akin ni Mama pagkabukas ko nang pintuan.

"Sige po."

Umalis na din si Mama after non. Ako naman, nag-offline na at saka nagpalit na din ng damit-pantulog. Kaka-online ko pa lang, tinawag na ako. So sad!

@kusina

"Ma, asan si Ate?" tanong ko kay Mama.

"Nasa mga Ate Galiah mo, dun daw siya matutulog." sabi ni Mama sabay tayo at hugas ng kamay.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon