Chapter 32

95 8 0
                                    

Heaven's POV

         Tanghaling tapat, naiinis na naman ako. Alam niyo kung bakit?

Pano kasi si Mama, magpapabili ng pandesal eh sa kanto pa yun. Kita namang ke init-init. Aish! Bakit kasi hindi si Ate utusan niya?!

Katanghaliang tapat naglalakad ako dito sa may kalye namin. Sobrang init, as in. Ang taas ng tirik ng araw eh. Ano ba yan!

Nung makarating ako sa bakeshop, bumili lang ako ng 10 pcs. na putok na tinapay. Ewan ko ba kung bakit favorite ni Mama yung putok na tinapay. Hindi naman ganong kasarapan.

Pagkakuha ko ng binili kong pandesal, may natira pa akong 16 pesos. Lumapit ako sa may ihawan at saka bumili ng 3 isaw. Wala pa kasing luto ng dugo, matatagalan ako kapag nagpaluto pa ako. Isinawsaw ko lang ito sa sawsawan at saka nagsimula na ulit tahakin ang daan sa kalagitnaan ng araw.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nung naubos ko na yung mga isaw. Sakto namang may basurahan kaya itinapon ko na muna ito. Pagkatapos kong magtapon, hindi ko ineexpect na makikita ko siya sa harapan ko.

"Tara. Sakay na." yaya niya sa akin. May hiya din naman ako sa katawan no?

"Hindi, wag na. Kaya ko nang maglakad."

Magsisimula na sana akong maglakad nung hatakin niya ang braso ko.

Ngayon, ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin.

"Hoy ano ba kayong mga bata kayo! Katanghaliang tapat! Kumubli-kubli nga lang kayo!" sabi sa amin ni ateng nagdaan.

Nagulat naman ako sa sinabing yun ni Ate kaya agad ko siyang tinulak.

"S-sige na, mauna na ako."

Patalikod na sana ako nung bigla niya akong binuhat. Pa-bridal style.

"HOY! ANO BA!! HINDI TAYO GANONG KA-CLOSE EUGOO! IBABA MO AKOOOO!!" sigaw ko sa kanya habang buhat buhat niya ako. Pinagpapalo ko na siya pero hindi siya pumapalag. Ano ba yan! Baka mamaya may makakita sa amin, isumbong pa ako kay Mama!

Binuksan niya ang passenger seat at saka ako binagsak doon. Isinarado niya din ang pinto.

Nandito na ako eh, magpapaka-choosy pa ba ako? Ade sulitin na natin.

Pagkasakay niya, nagsalita ako.

"Idiretso mo lang. Kapag nakakita ka ng sign na Gumamela St., iliko mo. Pangatlong bahay yung bahay namin. Kulay blue yung gate, yellow naman yung bahay." sabi ko habang inilalagay ang seat belt.

"Grabe. Demanding?"

Tinignan ko siya ng masama.

"Sinakay-sakay mo ako dito tapos aangal ka? May pabuhat-buhat ka pang nalalaman."

"Eh bakit ba nagagalit ka? Pero okay lang yan, maganda ka pa din kahit ang sungit mo"

Feeling ko nag-blush ako sa sinabi niya. Ikaw ba naman sabihan ng maganda ng crush mo, hindi ka ba kikiligin?

"Oh wag kang kiligin, hindi totoo yun."

Dahil sa sinabi niyang yon, nawala ang pagkakilig ko. Napalitan ito ng pagkaasar.

Ano ba yan! Nakakainis pala siya!

Tinignan ko siya.

Sinimulan na niyang paandarin ang engine ng sasakyan. Nagulat ako nung pinaharurot niya ito.

"Hoy! Bagal-bagalan mo nga yang pagpapatakbo mo!" sigaw ko habang diretsong nakatingin sa kalsada, "Akala ko pa naman mabait ka, akala ko lang pala yun." bulong ko pa sa sarili ko.

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon