Elena's POV
Biyernes na. At ang saya ko alam niyo ba kung bakit? HAHAHAHHA! Kasi kinikilig pa rin ako dun sa convo namin. Hehe! Tapos na ako maligo, kumain at mag sipilyo.
Nag paalam na ako kay manang, kay mommy at kay kuya na pupunta na ako sa school.
Nakasakay na kami ng kotse ng bunso kong kapatid. Ang ingay niya kaya kinuha ko yung phone at earphones ko then na kinig ako ng kanta ng bangtan.
'They call me (call me) baepsae'
'Ppallie chasae.' pagsabay ko pa sa kanta.
Hindi ko na natapos yung song kasi nakarating na kami sa school.
School
Nakita ko si Hailey na naglalakad sa hallway.
"Hailey!" tawag ko sa kanya
"Oh?!" supladang sagot niya saakin with matching kunot ng noo.
"Ala. Geh, bye!".paalam ko sa kanya. Sira na kasi araw niya eh. Baka mamaya magalit pa sakin.
Tinungo ko na ang aming classroom at ayon, may sari-sariling mundo pa din ang mga kaklase ko. What the! Kelan ba ko dadating nang pare-parehas ang mga kilos nila?! Yung hindi iba-iba? Grabe.
Ibinaba ko lang ang bag ko at saka ipinasak ulit ang earphones sa tenga ko. Lumabas ako ng room at saka tumambay sa may hallway. May bench kasi dito, kaya masarap tumambay. Tapos, malamig pa yung simoy ng hangin kaya ang sarap talagang tumambay. WAHAHAHHAH!
Remember? Nasa second floor ang classroom namin kaya kitang-kita mo, kapag dumungaw ka, ang mga estudyanteng nagsisidatingan.
Ilang minuto lang nang pagmumusic, na-bored na ako. Itinigil ko na ang pakikinig pero nakapasak pa din sa tenga ko ang earphones. Tatanggalin ko na sana ng saktong pagtaas ko ng ulo ko, biglang dumating ang grupo nila TJ.
Napatingin sila sa akin pero iniiwas ko ang paningin ko sa kanila. Kunwaring kinakatikot ko ang cellphone ko. Hindi naman nila ako inusyoso. Dire-diretso lang sila hanggang sa pangalawang hagdan.
Tumayo na ako at saka dumiretso na sa classroom. Baka mamaya bumalik na naman sila dito, sobra na nga ang hiya ko. HAHAHAHHA.
Dumating na din ang prof. namin, 10 minutes from now.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Dismissal.
Sumabay ako kila Heaven ngayong break time. Masyadong adik sa ML ang mga kasama ko kaya sa kanila na muna ako sumama.
"Oh? Bat hindi ka sumama kila Jeydie ngayon?" tanong sa akin ni Heaven. Masyadong mapanuri ang babae na ito kaya kelangan, lahat detalyado.
"Eh masyado silang adik sa ML eh. Edi mamaya pa ako nakapag-break kapag inintay ko sila."
"Eh bakit dati naman ah? Iniintay mo din." sabi niya ulit sa akin. Hays! Hirap naman.
"Eh nakakatamad nang hintayin eh. Hehe!" kunwaring tawa ko nalang. Naglakad lang kami pero nung dumating kami sa kakainan namin, humiwalay si Heaven nang mesa. Galit ba sakin yon? Aba! Sobra ha?!
Kinibo ko sila, "Bakit humiwalay si Heaven ng lamesa? Galit ba siya kasi kasama niya akong kakain?" tanong ko pa sa kanila.
Kinuha ni Eisha ang panyo niya at saka pinunasan ang labi niya. Siya na ang sumagot sa tanong ko, "Baka nainis lang. Ewan ko, hindi ko din alam. Mahirap manghula." sabi niya at saka hinawakan ang kutsara at tinidor tsaka tinuloy ang pinagkakaabalahan. Ereng babae nare talaga, sobrang takaw. Mas pipiliin pa yata yung pagkain kesa kaibigan eh. Tsk!
BINABASA MO ANG
Can You Be My Lover? (COMPLETED)
Teen FictionSubaybayan natin ang bawat chapter ng kwento nina Hailey, Heaven, Eisha, Elena at Niana. Please vote, comment, and share it to your prends! Luv uu Lovelove, @iam_hazzy