Chapter 21

144 12 0
                                    

Elena's POV

       Nakita ko yung scene nung isang, isang gabi. Nakita ko mismo si CJ, habang naglulupasay na pinipilit namang pigilan ni TJ. Isang pangungusap lang ang isinisigaw niya, "Mahal na mahal kita, Shaillaaa!"

Iyon yung first time na tinawag niyang Shailla si Ate Shailla. Ilang beses nang nasasaksihan ni Heaven ang pag-uusap ng Ate niya at saka ni CJ, at laging ang binabanggit nito ay 'Ate Shailla', minsan nga may 'po' pa.

Hays! Ang hirap naman ng buhay ko. Ang hirap pala ng hindi ka crush ng crush mo hano? Now I know the feeling. Huhu!

Sunday ngayon. Kakatapos lang namin magsimba, bale kakain na kami sa pinakamalapit na fast food chain, sa ngayon.

Kung gusto niyong malaman ang OOTD ko, kung gusto niyo lang naman HAHAHAH! Naka floral dress ako ngayon, tsaka naka-heels. Hindi naman masyadong mataas yung heels kaya keri ko lang HAHHAHAH. Naka sunglasses din ako sa ngayon. Namumugto kasi ang mata ko sa kakapanood ng korean movies. Inaabot na kasi ako ng bente bente sa kakapanood hahhahaha. Idinahilan ko lang kay Mama na may sore eyes ako ngayon, naniwala naman siya. Kaya, ayosss HAHAHHA!

"Elena! Umayos ka nga lang ng upo mo. Masyado kang magaslaw!" saway sa akin ni Mama. Kinukulit ko kasi si Kuya na makipaglaro ng ML kaso ayaw niya, baka daw bumaba rank niya. Eh mag-c-custom lang naman kami. Hmp!

"Maaaa! Si Kuya oh? Ayaw makipag-connect sa akin sa ML!!!!" sumbong ko kay Mama. Okay lang na magsumbong kay Mama, supportive naman yan sa akin sa paglalaro ng ML eh, lalo na si Lola. HAHAHHA.

"Abe Ma baka bumaba rank ko. Vovo pa naman yan maglaro." sabat naman ni Kuya habang dire-diretso ang kain.

Humarap ako kay Kuya, "Hoy! Sinong vovo? Excuse me, fyi lang ha! Grandmaster V na po ako!" pagdedepensa ko naman sa sarili ko.

Itinigil ni Kuya ang pagkain niya at tsaka tumingin sa akin, "Para din sa kaalaman mo, mas mataas pa din ang rank ko sayo."

"Mas mataas nga rank mo, hindi ka naman madalas makapaglaro ng ML."

"Ano naman sayo? Eh sa nag-iipon ako eh. Tsaka hindi nga ako madalas makapaglaro, ang taas na nung rank ko. Pano pa kaya kapag naglaro na ako, baka Mythic na ako. Ha!"

"Edi mag-ipon ka! Tsaka wag masyado mahangin, baka tangayin ako."

Gigil na kami parehas nung magsalita si Lola, "Elena, mamaya na yan. Unahin muna ang pagkain bago yang laro laro na yan." sabi ni Lola.

Humarap na ako sa hapag-kainan at saka kumain. Basta kapag si Lola na ang nagsabi, tiklop ako. Lalo na yung mga kapatid ko. Si Lola kasi yung pinakasinusunod sa bahay namin. Patakaran niya, patakaran naming lahat. Ganon siya.

@house

Tanghali na nung makarating kami sa bahay. Pumunta pa kasi si Lola sa mga amiga niya. Grabe! Nakakabored don! Tapos ang tagal pa nilang nagdaldalan, parang mga ngayon lang nagkita wah? Lagi ngang pumupunta yung mga yon sa amin eh. Hindi naman namin pwedeng sabihin kay Lola na, "Lola, uwi na tayo." kase tyak magagalit yun. Baka i-confiscate pa lahat ng internet connections HAHAHAH.

Nagpalit lang ako ng suot at saka nahiga na sa kama.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

4:00 pm

*tok* *tok*

"Ateeee! Gumising kana! Andine si Ate Heavennnn!"

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon