Chapter 15

162 7 0
                                    

CJ's POV

       Nandito kami sa may dining room ngayon. Kasalukuyan kaming kumakain habang nakikipagkwentuhan sila Mama kay Tito Jordan at kay Daddy. Nandito rin sina Hailey, diba nga, pinsan ko siya.

Magkatabi kami ni Hailey. Hindi ko pa siya pinapansin at parang wala din siyang balak pansinin ako.

"Oh CJ, binabantayan mo ba ng mabuti ang anak ko sa eskwelahan?" tanong sa akin ni Tito Jordan. Napaigtad ako ng kaunti. Nagulat kasi ako sa tanong niya.

"Opo Tito. He he! Napaka kulit nga po nitong s-si Hailey eh." sabi ko naman kay Tito. Alam kong masamang magsinungaling pero hindi ko kayang magsabi ng totoo.

"Binabantayan daw? Sinong niloko mo?! Psh!" pabulong na sabi ni Hailey. Walang makakrinig non dahil sobrang hina lang, yung katabi lang niya yung makakrinig. Wala naman siyang katabi sa kanan kaya ako lang talaga ang makakarinig.

"Daddy, can you hand me my pasalubong?" tanong ni Cheena kay Daddy. Nag puppy eyes pa ito.

Tumayo si Daddy at saka binuhat si Cheena, "Tara, baby girl. Ibibigay ko na sa iyo." sabi ni Daddy. "Sige ah? Akyat lang kami." at tsaka sila umalis dalawa. Ilang minuto din, nagpaalam naman si Hailey.

"Tita, Daddy, Mama, punta lang po ako sa garden. Busog naman na po ako." at tsaka siya tumayo. "Sige anak, no problem." sabi naman ni Mama.

Umalis na si Hailey. Ilang minuto din, napag-isipan ko na sundan si Hailey. Ang awkward na kasi dito, baka mamaya ma hot-seat pa ako. Haha!

"Ah una na din po ako. May kelangan pa po kasi akong gawin." sabi ko. Tumango naman sila at saka na ako umalis.

Dumiretso ako sa may garden at nakita ko doon si Hailey, pumipitas siya ng bulaklak. Lumapit ako sa kanya at naupo sa bench na malapit sa kanya.

"Oy, bawal mamitas ng bulaklak."

Nagulat siya sa presensya ko pero napairap na lang siya at humarap sa akin habang naka cross arms.

"May nakalagay bang sign? Diba wala? Ade sana nilagyan yan ni Tita kung bawal!"

"Eh ako nagbawal, may magagawa ka? Pamamahay ko ito--"

Pinigil niya ang pagsasalita ko. "Hep! Correction, bahay niyo. Hindi lang sa iyo. Wag mong inaangkin kung may kahati ka." sabi niya at saka umupo sa tabi ko.

"Hays oo na. Teka nga, bakit ba hindi ka namamansin? Ha?"

"Dapat nga sayo ko itinatanong yan eh. Bakit hindi ka namamansin?"

"Gusto kitang iapproach, kaso nakakahiya kila Tita---"

"Hindi dito, sa school. Bakit ba hindi mo ako pinapansin? Tsaka ano yung sinabi mo kay Daddy na binabantayan mo ako? Ni isang galaw ko nga, hindi ka makakapgagbigay eh."

"Oo na, nagsinungaling na ako. Hindi kita pinapansin kasi baka mapagbuntungan ka ng galit nung mga fans ko."

"Wow! Fans?! Meron ka pala non? Porket ang famous mo na hindi ka na mamansin?"

"Sorry naaaa"

"Aba hindi! Hindi pwede yung sorry-sorry lang! Kapag hindi mo ako inapproach at tinawag na pinsan sa harap ng maraming tao, sasabihin ko kay Daddy na hindi mo talaga ako binabantayan. At ang masaklap, sasabihin ko rin sa kanya na hindi mo din ako pinapansin sa school. Para lahat ng pasalubong sayo ni Daddy, mapupunta nalang sakin. WAHAHAHHA!"

Nagulat ako sa deal na yon. Papayag ba ako? Kaso lang hindi ako makakatanggi sa grasya? Sige na nga! Madali lang naman yun.

"Hoy! Akin lang yon!"

Can You Be My Lover? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon