Chapter 2 - First Day

16 1 0
                                    

Azy's POV

I woke up at exactly 7 am. I bet na hindi pa gising ang mga yon kase tulog mantika yung mga yon. Bumaba ako sa kusina, nagmumog sa lababo at naghilamos.

Naghanap ako ng makakain ngayong umaga. Nagluto ako ng ham, bacon at egg. Habang abala ako sa pagluluto, nakarinig ako ng mga yabag mula sa itaas. Gising na sila. Buti nalang tapos na akong magluto. Lumabas ako ng kusina  saka nilagay ang mga pagkain sa dining table. I saw them walking downstairs. Pumasok ulit ako ng kusina para magtimpla ng kape para sakin at gatas para sa kanila.

"Eomma texted me" sabi ni Xey na malungkot. Problema nito? Umupo ako sa upuan at inilagay ang gatas at kape sa mesa. (Eomma means mommy)

"And?" tanong ko habang inaayos ang sarili ko. Tinali ko ang buhok ko at pinagpag ang damit ko.

"Dito daw ako matutulog hanggang kelan ko gusto!" sagot niya sa masayang tono. Siraulo amp. Kala ko naman kung ano.

"Edi maganda" sabi ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Naiingit ako! Gusto ko din dito" yamot na sabi ni Lei. Hehi.

"Ahh wag kang mag alala tatanuning ko kay eomma kung pwede niyang sabihin kay Tita para more chances of winning" sabi ni Xey bago isubo ang pagkaing nasa kutsara niya.

"Yieee thanks, btw next week na ang pasukan anong balak?" tanong ni Lei sakin. Hmmmm.

"We'll see" sagot ko. Pinagpatuloy namin ang pagkain. Tahimik na ang lahat. Hays.

After breakfast, sabi nung dalawa sila na daw magliligpit dahil ako naman na daw yung nagluto.

*1 week after*

"Lei ano ba bilisan mo baka malate tayo" sigaw ni Xeyline. First day na namin ngayon. And i hope nothing bad will happen.

Well Business Management (BM) ang kinuha naming kurso. Actually ako lang talaga, pero sabi nung dalawa BM narin daw yung kursong kukunin nila.

"Wait i cant find my earphones" sagot ni Lei. Hays. Hindi ba ito makakaalis ng walang dalang earphone?

"Lei, i have an extra at my car. Use it forever if you want" sabi ko kay Lei. Bumaba na siya at nauna pa saming lumabas.

Habang nasa daan kami, sinabi ko sa kanila na dadaan kami sa drive thru ng mcdo. Dahil di na ako nakapagluto, we ordered a coffee for me, 3 eggdesal and 2 hot chocolate. Kinain na namin yun bago makarating sa new school namin.

"Ready?" Tanong ko sa kanila. Excited na ako! Nandito kami sa gate ng La Luna University. One of the most famous university here.

"Nae" sabay nilang sagot sakin. I laughed at them. (Nae means yes)

"Kaja" sabi ko sa kanila. Tumango ang dalawa at pumasok na kami sa loob. (Kaja means lets go). Sabay sabay kaming pumunta sa registrar para kunin ang timetable namin.

"In the count of 3....2.....1, Section A" sabay sabay naming sabi at nagtawanan. Saka namin hinanap ang room namin.

Sa 3rd floor ang room namin, pinakadulo. Pumasok na kami sa loob ng room, may mga ilang taong nakuha namin ang atensyon pero yung iba walang pake. Umupo kami sa dulo, buti nalang 3 chairs apart ito. Pagkaupo namin sa upuan, sakto may dumating na isang lalaki. Si Brye John C. Collin. Agad naman niyang nakuha ang atensyon ng mga babae.

"Yow watsup guys" bati ni Brye samin. Teka, dito rin siya? Ang tanga Azy, nandito na siya dba?

"Magkakaklase nanaman tayo" sabi ni Lei. Mabuti nga iyon para may kilala kami dito. Natawa naman si Brye.

"Hahaha oo nga hano, sayang si Chrisia kase Accountancy ang kinuhang kurso" sabi ni Brye. Umupo ito sa upuang malapit samin. So bale ang pwesto namin ay...

Brye.             Lei.  Xey.  Ako.   Bintana

Maya maya lang dumating ang isang lalaking nasa 30s ata ang edad. Siya siguro ang prof namin.

"Goodmorning everyone" bati niya samin. Umayos agad kami ng upo at binati din siya.

"Today is your first day here at LLU, its nice to see you my fellow students" panimula niya.

"Btw, Im Proffesor Alvin C. Garcia, ill be your prof for this school year" pagpapakilala nito sa sarili niya. I bet he's a bit flirt coz i saw him winked at other girls.

"Okay so i know some students here but you need to introduce yourself again for the sake of the newbies" sabi niya kaya isa isa na kaming nagpakilala.

Nate's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Inis kong pinatay iyon at nagtalukbong ulit. Urgh! 5 more minutes!

*time skip*

Nagising ako at tinignan ano oras. Tumayo ako at pumunta sa closet para kunin ang face towel ko. Pagkatalikod ko, nanlaki agad ang mga mata ko dahil sa nakita ko sa schedule board ko. Shit! Malalate na ako! Papagalitan nanaman ako ni lola. Dali dali akong naligo at nag ayos. Pagbaba ko nakita ko si Manang.

"Iho kumain ka muna" sabi ni Manang sakin habang naglalagay ng pagkain sa lamesa. Umm pano ba? Hay nako Nate!

"Ah Manang hindi na po ako makakakain malalate na po kasi ako" sagot ko kay Manang. Aish!

"Hay nako iho, oo nga late ka na pero tumawag sakin ang lola mo wag daw kitang paaalisin ng hindi kumakain" sabi ni Manang. Shit! Kailangan ko nga talagang kumain. Umupo ako at nagmadaling kumain.

Pagdating ko sa LLU walang tao sa paligid. Mukhang nasa loob na sila ng room. Dali dali akong tumakbo papunta sa room. Alam ko naman ang schedule ko at room ko dahil lola ko naman ang may ari ng school na ito. Pagdating ko sa room, i saw Prof Alvin in front of them and i saw a familiar girl standing at the back. I bet she's going to introduce herself.

"Goodmorning, sorry im late" sabi ko kay Prof. Halata sa mukha nito ang inis. Well its not my fault kung late ako nagising.

"First day palang Nate, ano ba?" sagot ni Prof sakin. Tch! Ipatanggal ko kaya tong teacher na ito dito? Psh!

"Im sorry" sabi ko at humanap ng upuan. Then nakita ko si Brye kaya tumabi ako sa kanya.

"Watsup bro" sabi ko kay Brye at naupo sa tabi niya.

*****************

Hi watsup guys! Di ko alam kung naeenjoy niyo itong story ko. Hahahaha.

Julianneclaire...

My Damn EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon