Azy's POV
Ilang araw na ang nakalipas nang dumating ako dito sa Palawan. Inaamin ko, masaya dito. Naramdaman ko ulit na may pamilya ako. Masaya ko ulit naranasan ang pasko. Ininom den namin nung pasko ang wine na dala ko. Pero gusto kong maranasan ang pasko kasama ang tunay kong pamilya. Nung nag noche buena ay tamang usap lang kami nila Mama sa phone. At ngayong bisperas ng bagong taon ay baka mag- usap nalang ulit kami sa telepono.
"Ate Azy! You okay?" tanong ni Cree na katabi ko lang, nanonood ng TV. Sila tita ay naghahanda ng food para mamaya. I wanted to help her but she refused, bisita daw ako dito kaya hindi ko daw dapat gawin yon. "Namimiss ata si Kuya Nate" sabat ni Dehan. I glared at them. Sa mga araw na nandito ako ay napalapit na din ang loob ko sa kanila.
"Cree! Don't stress Azy!" sigaw ni Tita mula sa kitchen, they just sigh. "I'm fine, and i don't miss that guy" wala kase si Nate dito, may kikitain daw. Tinanong niya kung gusto ko sumama pero tumangi ako, he can have his private time kaya hindi nalang ako sumama. Pagkatapos ko sabihin iyon ay siyang kasabay na pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si Nate, at may kasama siyang babae.
"Ma! Maxine is here!" sigaw ni Nate, dumiretso sila sa kusina. Ni hindi man lang kami tinapunan ng tingin. "Someone's jealous" bulong ni Cree pero narinig ko rin naman. "Azy! Iha! Come here" rinig kong sigaw ni Tita kaya tumayo ako at pinuntahan sila sa kusina.
"Iha, ito si Maxine. Bestfriend ni Nate dito. And Maxine, ito si Azy" pagpapakilala ni Tita saming dalawa, i look at Maxine and smile at her. "Dont be jealous about us, he's not my type, I'm a lesbian" di ako nakapaniwala sa mga sinabi niya. First, why would i be jealous? Bakit niya sinabi yon? Hindi naman ako pinakilala ni Tita sa kanya bilang girlfriend ni Nate so saan niya nakuha yung thought na magseselos ako? Second, she's pretty gorgeous and i can't believe na she's a lesbian. I have no problem with that but, nanghihinayang ako sa ganda niya. "Nga pala, ang mga Quevas ay sa atin magcecelebrate ng new year, pupunta sila dito sa bahay maya-maya lang" sabi ni tito at tumango lang kami.
Hindi rin naman nagtagal si Maxine dito at umuwi narin. Nagkwentuhan kami at kinuwentuhan niya ako tungkol kay Nate. She knows him well. Everytime na magkukwento siya about Nate i would just smile, they're really close huh. Hindi naman ako makapagkwento ng moments namin ni Nate, dahil puro kabalastugan na pranks ang ikukwento ko kung ganon. I don't have much happy memories with Nate yet. That's why he takes me here, so that we can get to know each other.
Hours passed at naghahanda kami ng tanghalian dahil parating na daw ang mga Quevas. We're one hour late sa lunch. It's currently 1pm. Maya maya lang ay may narinig kami na nagdodoorbell.
"Ako na" sabi ni Tito sabay labas, sakto at tapos na magluto si Tita.
Ilang segundo lang ay bumalik na si Tito na may kasamang mag-asawa at isang lalaki. Lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko dito. Bakit siya nandito? I look at Nate, at ganon na rin ang tingin niya sa lalaki. He looked so shocked. Damn. Anong ginagawa ni Ace dito?
"Honey! They're here!" sigaw ni Tito. Dali dali akong pumasok sa kusina para iwasan si Ace, naabutan ko naman si Tita doon. "Iha pwede bang pakidala ito sa lamesa" sabi niya sabay abot sakin ng mangkok. Kinuha ko ito mula sa kanya, akmang aalis na ako ngunit nagsalita siya.
"Azy, hindi ko alam kung anong relasyon niyo ng anak ko" sabi ni Tita kaya napalingon ako sa kanya. "Pero nakikiusap ako sayo, pwede bang huwag mong hayaan na mapunta muli si Nate kay Jeanne? Kitang-kita ko ang sakit na naramdaman ni Nate nung iwan siya ni Jeanne. Kaya please, ilayo mo ang anak ko sa kanya" her words was so sincere. I smiled at her to assure that I'll do my best to keep Nate away from Jeanne. "I like you more than Jeanne" she said as she giggle. I laugh at her reaction.
*time skip*
Nandito na kaming lahat ngayon sa hapag kainan. Yung mga magulang lang ni Ace saka sila Tita at Tito ang nag uusap. Sila Cree at Dehan may ibang pinag-uusapan.
"So, who is this girl?" tanong ng Mama ni Ace. Lahat sila nakatingin sakin. "Umm, im sorry hindi ko pa pala siya napapakilala ng maayos" sabat ni Nate, i look at him. He look at Ace's parents pati narin sa mga magulang niya. "This is Azyquine Mendel, my lovely girlfriend" pagpapatuloy ni Nate. I look at him in shock. I didn't expect that he would introduce me as his girlfriend. Pero naalala ko nandito si Ace, right baka sinabi niya lang yon dahil nandito si Ace.
"I knew it" bulong niya Cree pero narinig din naman dahil there's a silence nung pinakilala ako ni Nate. I glared at him but he just smirk. "Oh really? What a lovely couple" sabi ng Mama ni Ace. Wala na ulit nagsalita pa kaya nagpatuloy na kami sa pagkain. Nagpatuloy sila Tita at Mama ni Ace sa pag-uusap i think about business.
Maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa at sigurado ako na mas marami mamaya. Masarap magluto ang Mama ni Nate. Namiss ko tuloy ang mga luto ni Mama. Dati kase lagi niya akong nilulutuan, tuwing may sakit ako ay siya din ang nag-aalaga sakin.
"Ayaw mo ng hipon?" tanong sakin ni Nate. "Hindi ako marunong magbalat" sagot ko then he laughs. Totoo yon, tuwing lulutuan kase ako ng hipon ni Mama ay nakaalis na ang balat, kapag naman kumakain kami sa labas. Lei will do the peeling for me. "Ipagbabalat kita" sabi niya at ipinagbalat ako ng hipon. Pinanood ko lang siya habang seryoso siyang binabalatan ang hipon, matapos niya itong balatan ay tinusok niya ito ng tinidor at itinapat sa aking labi.
"Say ahh" sabi niya habang itinapat ang hipon sa aking bibig. I stared at him with shock and confusion. Pinandilatan naman niya ako kaya wala akong magawa kundi ibuka ang bibig ko.
Ace's POV
Finally! Nakaalis din ako doon sa lamesa. Jusko! Ang awkward. Hindi ko talaga alam na sila Nate ang pupuntahan namin. And worst, nandun din si Azy. Fuck.
*kring kring*
"Hello Jeanne" bungad ko sa kanya. She knew that I'm with Nate and Azy coz i immediately texted her when i saw Azy and Nate. "Ano balita?" she asked, i let out a heavy sigh. "They confessed their relationship while we're eating" sagot ko and i heard her laugh. "Ang galing naman nilang magpanggap?" she said jokingly. "And they're like, feeding each other in front of us" sabi ko. "Hmm okay, call you later. Bye! Love you!" sabi niya sabay hung up.
Nate's POV
After lunch ay inaya na agad ako ni Azy sa kwarto. Alam ko namang ayaw niyang makita yung pagmumukha ni Ace. I'm sitting here on the edge of my bed scrolling on social media. While Azy is in the bathroom. Minutes later she came out.
"Nate, im bored" she said then sigh. "Me too" maikling sagot ko. "Do you want to go downstairs?" tanong niya. I look at her annoyingly. "Akala ko ba ayaw mo siyang makita" tanong ko sa kanya. "Geez calm down, I'll just sleep" sabi niya sabay higa sa kama. "Yeah mabuti pa nga" sagot ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita so i assume na nakatulog na siya. I look at her sleeping peacefully. Ibinaba ko ang phone ko at pinagmasdan siyang matulog. I'm staring at her,reviewing every details of her face again. Then naramdaman ko na dinalaw narin ako ng antok, so i decided to lay down and sleep, beside her.
_______________________________________
Unedited
Julianneclaire...
BINABASA MO ANG
My Damn Enemy
RomanceCould hate turns into love? Two people Opposite direction Met with hate She's friendly but always been pushed away by that guy.