Nate's POV
"Come with me"i said as i stare at her. Tiningnan ko ang mukha niya na medyo mapula ang pisngi dahil siguro sa lamig. Pinagmasdan ko ang itsura niya, tila ba inaaral ko ang bawat sulok at detalye ng kanyang mukha. Mula sa kanyang mga mata, ilong, hanggang sa kanyang mga labi. I look up again to her eyes. She stared at me na parang nagtataka sa mga sinabi ko.
"My mom called, sabi niya pilitin daw kitang isama sa Palawan" sabi ko sa kanya. Hindi parin ako umaalis sa harapan niya. "Pero, h-hindi ba nakakaistorbo ako?" she asked not looking at me. Bahagya siyang umatras para bigyan kami ng mas malaking space.
"Hindi. My mom asked for it, atsaka sabi sakin nila Xey na baka wala kang kasama sa holidays. Ang pangit naman kung mag-isa kang magcecelebrate ng pasko at bagong taon?" sagot ko then nagsimula na ulit akong maglakad, sumunod den naman siya. "Ibig bang sabihin non eh magpapanggap parin tayo sa harap ng parents mo?" tanong niya habang nakatingin sa taas.
"Iniisip ko den yan, ang alam naman kase nila ay girlfriend kita, alam den nila na lasing ako nung ikaw ang nakasagot ng tawag. Idk, we'll found out soon" sagot ko at pinagmasdan den ang kalangitan. Napapansin ko na unti-unti naring lumalamig at dahil wala akong coat na dala, tinitiis ko nalang yung lamig.
Binigay ko nga pala kay Jeanne yung coat ko.
"Pero paano yon? Ang hirap namang mag kunwari lalo na sa harap ng magulang mo, lalo na't hindi naman tayo magkasundo" sabi niya habang abala sa pagsipa ng bato. "I'll try" sagot ko. Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako na para bang may sinabi akong mali. I sighed and look at her.
"I'll try to be friends with you. And I'm sorry sa naging attitude ko sayo nung unang nagkakilala tayo. Kaya kung papayag ka, sumama ka na sakin sa Palawan para rin maging close na tayo" paliwanag ko sa kanya. I stared at her waiting for her reaction, then a smile flashed on her lips making me smile too.
Azy's POV
Totoo ba ito? Si Nate nagsosorry? Wow! Napatitig ako sa kanya na para bang tinitipa ko pa kung nagbibiro siya o hindi. Ilang segundo kaming nagtitigan saka ako ngumiti.
"Weh?" tanong ko sa kanya. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. "Oo nga. Napag isip- isip ko yung mga sinabi mo sakin kanina, maski ako hindi ko alam kung bakit ako ganon sayo" sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad. So kaya niya ako sinundan?
Pagkatapos non ay wala na ulit nagsalita. Nang makabalik na kami at nakita ko sila Brye na naglalakad palayo sa bahay nila. Then lumabas sina Trev, Lei, Xey, Samuel at Jeanne. Nakita kong sinasarado na nila yung gate.
"Hoy! San kayo pupunta?" tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman nila akong nilingon. "Mabuti naman at dumating na kayo, saan ba kayo nakarating?" tanong ni Xey. "Dyan lang sa kabilang kanto" sagot ni Nate.
"Oh ehh, eto kasing si Jeanne nag-aaya mag karaoke" sabi naman ni Trev. "Oo, kase regalo lang ni Anne ang dala ko, naisip ko na magkaraoke nalang tayo bilang regalo ko" sabi ni Jeanne na naka fake smile.
"Ohh eh wait lang huwag nyo munang isara, Nate kumuha ka muna ng jacket sa loob" sabi ko, tumango naman siya at pumasok na sa loob. Ilang sandali pa ay hindi parin lumalabas si Nate. Nababagot na si Lei na gusto na umalis.
"Ang tagal naman non! Saan bang sulok nakarating yon?" maktol ni Lei na nasa gitna na ng kalsada. "I'll go check on him" sabi ni Jeanne pero bago pa siya makapasok ay lumabas na si Nate.
Huh, ano ka ngayon HAHAHA!
"Lets go" sabi niya habang inaayos ang coat na suot niya. "Teka! Akin yan ah!" sabi ni Samuel kay Nate. "Pahiram muna, hindi ko mahanap yung akin eh" sagot ni Nate at tumabi sa akin.
Jeanne's POV
Nakakainis na talaga! Nasira nanaman ang plano ko! I'm planning na itago yung jacket ni Nate na binigay niya sakin kanina para lapitan niya ako at kausapin, tas sabay kaming papasok ka loob para hanapin yon! Pero wala! Urgh!!
So eto kami ngayon, naglalakad. Malapit lang naman ang karaokehan dito mga ilang metro lang dito sa labas ng subdivision nila Brye. Tahimik, walang nagsasalita. So naisip ko na magsalita nalang.
"So Azy, ano plano mo ngayong holiday?" tanong ko kay Azy na ngayon ay nakikipagtawanan na kay Nate. Tsk! "I - uhm" utal ni Azy na nagulat ata sa tanong ko. "Isasama ko siya sa Palawan, dun kami maghoholidays" sagot ni Nate. WHAT?!?! Nakakainis na talaga!! Babawiin ko si Nate no matter what.
Third Person's POV
"Really?! Aww, I'm sure magugustuhan ka ni Tita" sabi ni Jeanne habang patuloy sila sa paglakad. "Of course magugustuhan siya ni Mama. Nag-usap palang sila sa telepono eh gustong gusto na siya ni Mama. Siya pa nga yung nag-imbita kay Azy" sabat ni Nate saka nginitian si Azy. Bakas naman sa mukha ni Jeanne ang pagkainis sa mga sinabi ni Nate.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila dapat nilang puntahan. Mayroon din silang mga alak at pulutan. Pagkadating na pagkadating nila doon ay nagsimula na agad kumanta sina Evan at Luisse. Yung iba naman ay nagkukwentuhan at nagtatawanan. Nakaupo si Nate sa tabi ni Azy at nagkukwentuhan din silang dalawa.
"Sigurado ka ba na dadalhin mo ako sa Palawan?" tanong ni Azy kay Nate. "Oo naman, kawawa naman yung kaibigan ko. Magcecelebrate ng holidays ng mag-isa" sagot ni Nate saka tumawa.
It's true. He wants to bring his new friend to his hometown. Naisip niya na mas magkakakilala sila ni Azy kahit papaano kung isasama niya ito. And, he felt sad because of the truth that Azy is celebrating alone. Naisip din niya na baka dahil dito, tigilan na siya ni Jeanne. Because he also wants a clear relationship with Azy. Yung hindi na sila magpapanggap. Just friends.
"Sanay na akong magcelebrate mag-isa. Minsan nga natutulog lang ako eh" sabi ni Azy sabay tawa. "That's why I'm taking you to Palawan. Para maranasan mo ulit yung noche buena kasama ang pamilya, yun nga lang pamilya ko ang kasama mo" sagot ni Nate.
But little did they know na may nakikinig sa usapan nila. Jeanne reaches for her phone and call Ace.
"I know the truth, they're pretending"
_______________________________________
Unedited
Julianneclaire...
BINABASA MO ANG
My Damn Enemy
RomanceCould hate turns into love? Two people Opposite direction Met with hate She's friendly but always been pushed away by that guy.