Chapter 19 - New COUPLE?

9 0 0
                                    

Nate's POV

Pinabalik ulit kami ni Brye sa studio para mag practice. Inaya din namin si Kuya Daniel para makapag-opinyon siya.

"okay, ready?" tanong ni Chrisia, tumango naman kami. Pinindot niya yung play at nagsimula nang mag play yung intro ng kanta. Btw etong kanta na ito ay yung sinulat ni Azy, tsk.

"Goodluck" sabi ni kuya Daniel na kakapasok lang sa studio. Tumingin siya sa paligid, maghahanap siguro ng upuan. Then i saw him walk towards the sofa in the studio and sat beside Azy.

They're making me curious. I hate it! Alam kong di naman ako dapat mangialam don pero....

Ughhr.... Curiosity kills me!!!!

"NATE!!!!" sigaw ni Evan sakin. Ano bang problema nito? "Bakit ba?!" sigaw ko pabalik sa kanya. "Kanina pa tumutugtog yung part mo, di mo kinakanta, lutang ka ba?" tanong ni Samuel na katabi ko lang.

"Oh sorry, i was spaced out" sagot ko na parang hindi parin nagsisink in yung mga nangyayari sa paligid. "Hayaan niyo na, maraming iniisip yan" sabi ni kuya Daniel at tumingin sakin na para bang may gustong ipahiwatig.

Azy's POV

Pumasok na ako dito sa studio para panoorin sila. Maya maya lang ay pumasok si kuya Daniel at tinabihan ako.

"umm hi?" sabi niya sakin pagka-upo niya sa tabi ko.

"ohh hello kuya Daniel" sagot ko sa kanya. Awkward.

"Can we talk?" tanong niya sakin. Hindi parin kase kami nag-uusap after na mangyari yung incident.

"Sure" maikling sagot ko sa kanya. Nagsimula na ding magpractice yung iba.

"Siguro kase kailangan na natin itong pag-usapan para mawala na yung pagkailang natin sa isa't isa" panimula niya, wala naman akong masabi kaya tumango nalang ako.

"Alam ko namang hindi maganda ang una nating pagkikita" sabi niya habang nakatingin sa mga kamay niya.

"Gusto ko lang magsorry" dagdag niya sa mga sinabi niya. I smiled, magsasalita na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Pero kailangan mong matuto kung paano maglock ng pinto" sabi niya sabay tawa. Urgh!!

"i hate you" sagot ko sabay tawa, tumawa den naman siya hanggang sa narinig naming sumigaw si Evan.

"Bakit ba?!"

"Kanina pa tumutugtog yung part mo, hindi mo kinakanta, lutang ka ba?" tanong ni Samuel kay Nate na katabi lang niya.

"oh sorry, i was spaced out" sagot ni Nate na parang hindi rin alam ang mga nangyayari.

Sabog ata to eh.

"Hayaan nyo na, maraming iniisip yan" sabat ni Kuya Daniel sabay tingin kay Nate na para bang alam niya ang dahilan kung bakit nagkakaganon si Nate. Pinagmasdan ko kung paano niya tingnan si Nate, makahulugan. Halatang halata na alam niya kung bakit ganito si Nate.

"Hey! Lets just continue, and Nate please be aware" sabi ni Luisse, tumango naman si Nate at ipinagpatuloy ang praktis nila. Lumapit naman sakin si Xey.

"Wala ka bang napapansin dun sa dalawa?" tanong niya sabay upo sa tabi ko. Nagtaka naman ako kung sino yung tinutukoy niya.

"Sinong dalawa?" Tanong ko sa kanya. Tinuro naman niya si Lei at Trev.

Emeged, my shiiip....

"Wala naman, bakit may problema ba?"

"Well kasi kanina dba siya ang nagpumilit pumasok ng maaga. Then nakita ko siya sa harap ng locker kausap si Trev. Tas ngayon, napapansin ko naman ang ngitian nilang dalawa. Ano sa tingin mo? Sila na?" sabi sakin ni Xey.

Napatingin ako dun sa dalawa. Nakatingin sila sa isat isa habang nakangiti, mga baliw na ata ito. Hmmm, i smell something. Tumayo ako at tumabi kay Lei, si Xey naman ay nakasunod sakin.

" Lleira Mae Quizon?? "mapang asar na tono kong sabi.

" o-ohh... Why? "

Tangina.

Sagot ni Lei sakin na hindi man lang ako tinignan. So ano, multo ako?

Anong ginawa mo sa kaibigan ko Trev.

" Totoo ba na kayo na ni Trev?? "




" Yes!! I mean n-no"

Deny mo pa teh, oo hindi halata.

"Your smile and the look in your eyes tells the truth" wika ko. She gulp.

"F-fine! Oo kami na, kanina lang umaga. But please don't tease me" sabi niya sabay tingin kay Trev. Tumingin den si Trev sa kanya at nginitian siya.

Kalalande.


"Guess whos blushing?" sabat ni Xey na nasa likod namin.

"Oh shut up!!"


*time skip*

"Are you guys going to sleep here?" tanong ko sa ibang boys.

"Hindi, uuwi din kami maya maya" sabi ni Trev samin.

"ok sige mauuna na kami" Xey

"wait" pigil ko sa kanila. Then they all look at me confused.

"Bakit? Di pa ba tayo aalis?" Kuya Daniel.

"Lei, hindi ka ba magpapaalam sa jowa mo?" tanong ko sa kanya. I smirked then look at Trev who's eyes widened.

Gulat ka no??

"Jowa? Sino jowa mo Lei?" Samuel.

"Si Trev" sabi ni Xey habang tumatawa. Kitang kita naman sa mukha nila ang gulat.

Kayo den, gulat kayo no???


"SI TREV???!!" sigaw nilang lahat maliban samin ni Xey saka yung dalawang magjowa.

"Bakit di mo naman sinabi samin na may jowa ka na pala?" tanong ni Nate habang ipinapalupot ang kanyang braso sa balikat ni Trev.

"Malalaman at malalaman nyo den naman, surprise sana kaso may nakahalata na" sabi ni Trev sabay ngisi. Lumapit siya kay Lei at hinalikan sa noo.

Hoy PDA!!!


"Take care babi" sabi ni Trev.



Taena sana all.









-----------------------------------------------

Unedited.

ㅋㅋㅋㅋㅋ

Julianneclaire.

My Damn EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon