Chapter 1

26.3K 575 66
                                    

41

Chapter 1

Kakaiba ang tugtog sa loob ng bar na napasukan niya. Noirish, sexy and dark. Iyon ang deskripsyon ng utak niya sa naririnig. Basta na lamang siya pumasok doon dahil sa musika roon. Hindi kasi iyon katulad ng mga club na katabi nito na maingay masyado at napasobrang bulgar ng mga liriko ng kanta.

Panay magkakapareha ang sumasayaw sa dance floor at sigurado siyang ang karamihan sa mga ito ay hindi naman magkakakilala.

Nang makakita siya ng isang babae at isang lalaki na naghahalikan sa isang sulok ay hindi niya naiwasan ang mapahibi.

Ganoon niya nahuli ang boyfriend, este ang ex boyfriend niya sa panloloko sa kanya. Idagdag pang dinispalko ng walangh’yang lalaki ang savings niya kaya ngayon ang huling laman ng wallet niya ay pitong libo na siyang huling pera na rin lamang niya. Hindi pa siya nakakabayad ng renta sa apartment niya at ng bills, kung k-kwentahin niya ay dalawang daan na lamang ang matitira sa kanya.

Napabuntong hininga siya at nagpasyang maupo sa may counter.

“Beer.” Order niya sa bartender at tumalima naman kaagad ito at binigyan siya ng isang bote ng San Mig Light at isang baso na puno ng yelo.

Alam niyang dapat ay nagtitipid siya pero sobrang sama ng pakiramdam niya kaya nagtungo siya sa lugar na iyon. Napadaan lang naman talaga siya, nakuha lang siya dahil sa tugtog.

Tinungga niya ang laman ng bote at hindi siya tumigil hanggang hindi niya nauubos iyon. Bakit ba ilalagay pa niya sa baso, wala namang pinagkaiba iyon? Parang gusto niyang ihagis ang baso sa mukha ng ex boyfriend niya.

“Beer.” Sabi niya ulit sa bartender at muli siya nitong binigyan ng isa pang bote.

Dinampot niya ang yelo at pinaglaruan niya iyon. Habang natutunaw iyon sa palad niya ay iwiniwisik niya iyon sa ere.

Nang maubos niya ang ikalawang bote ay muli siyang nag order sa bartender.

“Something hard that could knock me down, please.”

Binigyan naman siya nito ng isang inumin na nasa baso at may yelo din iyon.

Habang iniinom niya iyon ay parang biglang nadoble ang lahat ng bagay sa paningin niya. Nang lagukin niya iyon ay ramdam na ramdam niya ang pagguhit ng init sa lalamunan niya hanggang sa sikmura niya.

“Ugh! This is hot.” Sabi niya at nag thumbs up sa bartender.

Dumampot ulit siya ng yelo mula sa baso at hinayaan niyang matunaw iyon sa palad niya pagkatapos ay iwinisik niya ang basang kamay sa ere.

“Excuse me, you’re going to cause trouble if you continue doing that.” Sabi ng malalim na boses sa tabi niya. Nang tingalain niya ito ay hindi na niya maaninaw ang mukha nito.

Tumuon ang basang kamay niya sa dibdib nito at narinig niya ang paghugot nito ng hininga.

“Cold.” Sabi nito.

Humaplos pa ang kamay niya sa dibdib nito pababa sa tiyan nito. Naisip niyang parang matigas yata iyon na tila bato.

Muli itong napahugot ng hininga sa ginawa niya.

“Miss, you’re also gonna cause me a hard trouble if you do that.” Hindi siya sigurado kung lasing ba siya o mas nalalasing pa sa boses ng kausap. Idagdag pang parang may ibang ibig sabihin ito sa sinabi.

“W-what?” Tanong niya.

“Some of my guests are complaining about you.” Sabi nito at hinawakan ang palapulsuhan niya.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon