41
Chapter 5
Wala pang labinlimang minuto ay tumawag itong muli sa kanya para sabihing naroon na ito sa labas ng apartment niya.
Dinampot niya ang cardigan na nakapatong sa sofa at isinuot niya iyon bago lumabas. Sinuklay niya ng kamay ang buhok niyang hindi pa tuyo. Hindi man lang siya nakapag blower at hindi rin siya nakapag ayos. Nag apply lang siya ng lip balm dahil nahihiya naman siyang paghintayin ito ng matagal.
Nakaupo ito sa may lobby at lumakas ang tibok ng puso niya habang nakatingin dito. Magkasama lang sila kanina pero iba ang excitement niya.
“Hi.” Sabi niya at agad itong tumayo.
“Hi.” Sabi nito at hinagod siya nito ng tingin. Conscious na itinakip niya sa kanya ang cardigan niya mukhang nakahalata naman ito dahil nag iwas ito ng tingin.
“So, anong gagawin natin?” Tanong niya. Parang mali ang tanong niya dahil muli siya nitong hinagod ng tingin at nagtagal iyon sa dibdib niya.
“You changed.” Bulong nito at nag angat ng tingin mula sa dibdib niya.
“Huh?”
“I thought I’ll see you in your night gown.”
“Excuse me.”
“Nevermind that, I’ve seen wearing nothing already so it’s no big deal.” Sabi nito. Hindi niya alam kung ang sarili ba nito ang kausap o siya dahil muling bumalik ang mga mata nito sa dibdib niya.
“My eyes are up here.” Sabi niya at pinamaywangan ito.
“Oh, sorry.” Sagot nito. He boyishly smiled at bahagyang namula ang tenga nito.
How cute is that?
“So?” Untag niya rito.
“The truth is I have nothing in mind, I just want to spend the night with you.”
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang pinamulahan ng mukha.
Don’t make me blush.
“Are you blushing?” Puna nito sa kanya at nakita niyang ngumiti ito. Mabilis siyang tumalikod para itago ang pamumula ng pisngi niya.
“I’m not.” Sabi niya rito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
“You were also blushing like that the night you went home with me.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
“Kung wala tayong gagawin ay aakyat na ako.” Sabi niya.
“Take me with you.”
“No, umuwi ka na. Bumalik ka na sa bar mo.” Pagtataboy niya rito. Nang tumalikod siya ay mabilis nitong hinagip ang siko niya.
“Come on, let’s walk outside.”
Napasimangot siya at sumunod dito sa labas. Naglalakad sila sa sidewalk at niyakap niya ang sarili. Kahit may suot niyang cardigan ay nilalamig pa rin siya. Mahangin at malamig ang gabi at gusto niyang pagsisihan na naka leggings lang siya.
Tumaas ang kamay nito at parang nag looking forward siya na aakbayan siya nito. Lumapit siya ng bahagya dahil gusto rin niyang akbayan siya nito.
Gusto niyang ngumiti nang maramdaman ang kamay nito sa balikat niya.
“Okay lang ba?” Tanong nito.
“Yes.” Sagot niya rito. Nang sumagot siya ay mas kinabig pa siya nito at magkadikit na ang kanilang mga katawan. Ramdam niya ang init mula rito at gusto niyang yumakap dito.
BINABASA MO ANG
Silver Minx
Romance[Mature Content] Caleb Arvesu, the dirty talker who didn't expect his Silver Minx to be hit by a real Silver Minx. (This book contains strong language and mature scenes not suitable for younger readers.)