Chapter 6

10.2K 447 52
                                    

41

Chapter 6

She’s right. Hindi talaga seryoso ang lalaki sa kanya dahil mag iisang linggo na mula ng sungitan niya ito at hindi na siya muling kinulit pa nito. Ang huling message pa nito sa kanya ay apat na araw na ang nakakalipas.

Alas nueve ng umaga at nasa tapat sila ng station para sa susunod na trip nila, alas dies ang call time para sa cast dahil may inihahanda pa ang ibang crew para sa theme ng trip. Narinig niyang nagkakayayaan na naman ang mga ilan sa mga staff nila na pumunta sa Black Water. Nang isama siya ng mga ito ay tumango lang siya at sumama sa mga ito.

Pagpasok nila sa Black Water ay nawala ang ngiti ng mga staff na kasama niya nang makita ang tinatawag ni Caleb na Esso na may kausap na babae. Obvious na ito ang asawa nito dahil nakaakbay ito sa magandang babae sa may counter.

Huling huli nila nang mabilis itong halikan ng lalaki sa labi bago pumunta ang babae sa isang lamesa hindi kalayuan sa counter. Doon ay may isang high chair at may batang cute na nakaupo.

Gusto niyang matawa nang malaglag ang panga ng mga kasama niya. Gaya nga ng sabi ni Caleb, pamilyado na ito.

“Hi Ladies, what could I get you?”

“I’ll order.” Sabi niya at siya na ang nag order dahil mukhang hindi pa nakaka get over ang mga sa crush ng mga itong pamilyado na.

“Hi.”

“Hello, we’ll order coffee.” Sabi niya rito at tumalima naman ito.

Gusto niyang magtanong dito tungkol sa pinsan nito pero nahihiya siya.

“Hey Cale!” Sabi ni Esso at parang nanigas ang binti niya nang marinig ang pangalan ng lalaki.

“Man, I’m beat. I could eat a horse.”  Sabi nito.

Nagtatalo ang isip niya kung haharap ba siya rito o hindi.

“Your friend is here.” Sabi pa ni Esso at sumulyap sa kanya.

“My friend?” Naramdaman niya ang yabag ng paglakad nito papalapit sa kanya.

“Ah, the friend who’s mad at me for reason I don’t know.” Sabi ni Caleb at may naglalarong ngiti sa labi nito. Napairap naman siya sa sinabi nito. Muli niyang naalala ang nakita niya noong nakaraang linggo.

“Sounds complicated.” Sabi ni Esso at iniabot sa kanya ang order nila. Bago niya iyon makuha ay inabot na iyon ng mga staff nila.

“Ms. Addy, mauuna na po muna kami.”

“No, sasabay na ako. We have to leave.” Sabi niya at nagmadali siyang lumabas na at nagsimulang magbulungan ang mga kasama niya.

Bago sila nakalayo ay napatigil siya sa paglalakad nang may humawak sa siko niya. It’s Caleb.

“What do you want from me?” Singgal niya rito at kumunot ang noo nito.

“Drop the bitch act. It doesn’t suit you.” Sabi nito sa kanya at huminga ng malalim. “I don’t what I did for you to be so hostile towards me. We were cool last week, you even invited me in your apartment.”

“Magkita na lang tayo kapag magbabayad ako ng utang. Don’t worry, hindi kita tatakbuhan.” Sabi niya. Wala siyang pakialam kung ano pa ang isipin nito dahil wala rin naman siyang plano pang maging friendly dito.  Maglalakad na sana ulit siya pero muli siya nitong hinawakan sa siko.

“Not so fast, Adrianne.”

“Don’t touch me.” Muling singhal niya rito at pinanlisikan ito ng tingin.

Silver MinxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon